Mga natatanging manlilikha, pinarangalan sa KWF Gabi ng Parangal 2025 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga natatanging manlilikha, pinarangalan sa KWF Gabi ng Parangal 2025

MAYNILA — Idinaos ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Gabi ng Parangal 2025 noong Abril 28 sa Makati Palace Hotel.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2025 na may temang “SIKAD PANITIKAN: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran.”

Pinarangalan ng mga prestihiyosong gantimpala ang mga manunulat, mandudula, at makata na nagsilbing ilaw ng panitikang Filipino.

Ayon kay KWF Tagapangulong Komisyoner Arthur P. Casanova, PhD, ang gabi ay isang pagpupugay sa mga pinakamahusay na kalahok ng mga patimpalak ng KWF na nagsimula pa noong Enero, kabilang ang Dangal ng Panitikan 2025, Makata ng Taon 2025, Timpalak sa Tulang Senyas 2025, Pagsulat ng Dulang Tandem/Duo, Pagsulat ng Daramatikong Monologo, at Pagsulat ng Katutubong Tula (Dalit, Diyona, at Tanaga).

Ipinagkaloob ang Dangal ng Panitikan 2025 kina Luna Sicat Cleto, Agustin Pagusara, Jr., at sa tanyag na direktor na si Jun Lana bilang pagkilala sa kanilang mahahalagang ambag sa panitikan at sining.

Samantala, itinanghal na Talaang Ginto: Makata ng Taon 2025 si Michael R. Gallego para sa kaniyang obrang “Aral mula kay Aran.” Nasungkit naman ni Romeo C. Morales ang Ikalawang Gantimpala at ni Paolo Miguel G. Tiausas ang Ikatlong Gantimpala, habang sina Preciosos M. Dahe, Jr. at Jose H. Carrascal ay kabilang sa mga pinarangalan bilang makata.

Sa Dula Tayo 2025: Pagsulat ng Dulang Tandem/Duo, nagwagi ng Unang Gantimpala si Larry Boy B. Sabangan para sa dulang “Sino ba Dapat ang Magsaing?”

Sumunod sina Hannah A. Laceña (“Para sa Panitikan”), Alpine Christopher P. Moldez (“Recognition Day”), at Klara D. Espedido (“Ang Nawawalang Berso”), na kapwa kinilala para sa kanilang makapangyarihang likha.

Sa larangan ng Dula Tayo 2025: Pagsulat ng Daramatikong Monologo, nagwagi ng Unang Gantimpala si John Dave B. Pacheco, sinundan nina Mark Andy Pedere at Alpine Christopher P. Moldez.

Pinarangalan din ang mga nanalo sa Timpalak sa Tulang Senyas 2025, kung saan kinilala si Nathaniel M. Macariola para sa kanyang akdang “Pagtanaw sa Tradisyonal at Makabagong Larong Pilipino.”

Ibinahagi niya ang kanyang saya sa pagkapanalo, lalo na’t ito ang kanyang unang pagsali sa patimpalak. “Masayang masaya ako na nakuha ko ‘yung first prize. May medal, may trophy,” sabi ni Macariola.

“Napakaimportante nito kasi FSL ‘to, Filipino sign language na advocate ito sa community namin. At ganun din para sa mga hearing community para makita nila kung anong kakayanan na magagawa ng mga deaf person,” dagdag pa niya.

Hindi nakadalo ang ibang pararangalan dahil sa mga personal na kadahilanan. Gayunpaman, ginawaran pa rin sila sa kanilang mga natatanging ambag sa larangan ng panitikan at kultura.