‘Sobrang Latina’, ‘Monyeka’: Ilang slang words, pwedeng pag-ugatan ng diskriminasyon? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Sobrang Latina’, ‘Monyeka’: Ilang slang words, pwedeng pag-ugatan ng diskriminasyon?

‘Sobrang Latina’, ‘Monyeka’: Ilang slang words, pwedeng pag-ugatan ng diskriminasyon?

Ganiel Krishnan,

Patrol Ng Pilipino

Clipboard

‘Sobrang Latina’, ‘Monyeka’: Ilang slang words, pwedeng pag-ugatan ng diskriminasyon?
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA— Isa sa mga terminong pumatok ngayong taon ang "Sobrang Latina," ekspresyon para purihin ang isang taong maganda o may striking na features.

Ayon sa content creator na si Sesable na nakilala dahil dito, inspired ang slang sa Latina makeup style na may matapang at defined na features. 

Pero higit pa sa makeup, sumasalamin din ito sa confidence at pagiging fierce ng isang tao.

Sumikat din ang katagang "monyeka" o “Grabe ang pagka-monyeka”, na galing sa manyika o doll. Ginagamit din ito para ipahayag ang paghanga sa taong tila perpektong manyika sa kanyang hitsura.

ADVERTISEMENT

Maganda man ang pagkabuhay ng wikang Filipino dahil sa mga pumapatok na slang, may paalala ang linguistics expert na si Dr. Lakandupil Garcia sa paggamit nito.

Posible kasi aniyang maging ugat ng diskriminasyon batay sa itsura ang ganitong mga salita kahit inosente naman o positibo ang intensyon nito. 

Kaya sabi ng eksperto maging maingat sa pagsabay sa mga trend at kilalanin din mabuti ang wikang gamit.

 

– Ulat ni Ganiel Krishnan, Patrol ng Pilipino


Video produced by Saria Gamueda & Ren Benedicto


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.