Mga nakiisa sa Alay Lakad 2025 sa Antipolo iba-iba ang dasal
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nakiisa sa Alay Lakad 2025 sa Antipolo iba-iba ang dasal
MAYNILA —Hindi lang mga paa ang naglakad, kundi mga panata at pangarap ang sumama sa bawat paghakbang.

Sa kabila ng pagod, init, at puyat, nanatiling buhay ang espiritu ng Alay Lakad para sa mga nakiisa ngayong Semana Santa 2025.

Dumagsa ang milyon-milyong tao sa Antipolo Cathedral, Rizal mula sa iba-ibang panig ng kalakhang Maynila – karamihan magkakapamilya o magkakaibigan.

Para sa ilan, pasasalamat ito ng pagtupad ng mga dati na nilang panalangin at kahilingan sa Diyos. Hangad ng iba ang mabuting kalusugan, tugon sa kanilang mga problema at pinapasan sa buhay, at patuloy na gabay sa kanila.

May ilan naman na gusto lang maranasan ang nadinig nilang panata ng iba.

Ngayong taon, bumaba sa higit 5.1 milyon ang tinatayang nakilakad, kumpara sa 7 milyon noong 2024. Ayon sa pulisya, maaaring sanhi nito ang matinding init ng panahon ngayon.

– Ulat ni Christopher Sitson, Patrol ng Pilipino
Video edited by Christopher Sitson; produced with Daniel Jacob & Elijah Gallero
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT