‘Paulit-ulit’ na Pabasa ng Pasyon layong ipaalala ang sakripisyo ni Hesus | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Paulit-ulit’ na Pabasa ng Pasyon layong ipaalala ang sakripisyo ni Hesus

‘Paulit-ulit’ na Pabasa ng Pasyon layong ipaalala ang sakripisyo ni Hesus

Jessie Cruzat,

Patrol Ng Pilipino

Clipboard

‘Paulit-ulit’ na Pabasa ng Pasyon layong ipaalala ang sakripisyo ni Hesus
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Isa sa mga tradisyong kinagisnan ng mga Katoliko tuwing panahon ng Kuwaresma ang Pabasa ng Pasyon, na inilalahad ang istorya ni Hesukristo mula sa Kaniyang buhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay.

Nagsimulang isabuhay ang tradisyong ito noong ika-16 hanggang ika-17 siglo, sa tulong ng mga misyonerong Kastila. Mula sa wikang Kastila, kinalaunan isinalin ito sa Tagalog sa tulong ni Gaspar Aquino de Belen noong 1704 at pinamagatang “Pasyong Mahal.”

“Ito pong Pabasa o Pasyon ay isang paraan po natin upang muling ipaalala sa bawat miyembro ng pamilya at ng pamayanan ang ginawa ng ating Panginoon,” ani Fr. Ramon Jade Licuanan, rector at parish priest ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.

Para naman sa mga deboto sa Quiapo Church na nagtutulungang panatilihing buhay ang Pabasa, nakatutulong ang paawit na paglalahad nito para mas maisapuso ng mananampalataya ang mensahe ng kaligtasan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.