ALAMIN: Mga putaheng swak ngayong Semana Santa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga putaheng swak ngayong Semana Santa
ABS-CBN News Digital Intern,
Sam Bernardo and Kaizen Giane Balongoy
Published Apr 17, 2025 05:48 PM PHT

Para sa maraming mga Pilipino, ang Semana Santa ay isang linggo na nakalaan para sa pagdarasal, pagmumuni-muni, at pangilin. Maituturing itong pinakabanal na linggo para sa mga Kristiyano dahil inaalala rito ang mga huling araw ni Kristo.

Ngayong Semana Santa, marami sa mga Katoliko ang umiwas muna sa karne bilang bahagi ng kanilang penitensiya. Kaya naman, narito ang ilang putaheng pwedeng subukan.

Jay R - D’ Original Okoy (Okoy)
Ang okoy ay isa sa mga pagkain na pwede ngayong Semana Santa, kung saan mayroon itong toge, kalabasa, at maliliit na hipon. Ito ay piniprito sa isang glutinous rice flour na batter at maanghang na suka para naman sa sawsawan.

May isang tindahan sa Brgy. Concepcion sa Lungsod ng Malabon ang matagal nang nagbebenta nito, kung saan madalas itong dinarayo ng mga food vloggers at pati mga artista.

Ibinahagi ni Danilo Lizan Yuzon Jr., o mas kilalang Jay-R Okoy, sa ABS-CBN News na noon pang 1999 sila nagbebenta ng okoy. Ayon sa kaniya, sinimulan ito ng kaniyang nanay at mga kapatid, kung saan sa kanila siya natutong gumawa ng mga ito.

“Hanggang sa ako nagpatuloy. At yun, in-upgrade ko na lang. Nagustuhan naman ng mga tao. Yung iba kong timpla,” sabi niya.

Sabi rin niya na madalas maraming bumibili sa kaniya tuwing katapusan ng linggo.

Madalas daw, nakakabenta siya ng halos 500 piraso kada araw, ngunit may mga araw rin na medyo mababa ang benta niya.

“Kasi minsan, bumabase naman din ako sa ipon kasi, matumal na yung 8 kilo lang ang magagamit mo. Mabili na yung makagamit ka ng [20-25] kilos isang araw,” sinabi niya sa ABS-CBN News.

Aling Tessie’s Valencia Triangulo (Valencia Triangulo)
Kung naghahanap ka naman ng matamis, may isang tindahan sa Brgy. Flores sa Malabon na medyo liblib pero dinadayo ng mga tao. Ang Valencia Triangulo ni Aling Tessie ay minsan nang na-feature ng ibang’t ibang food vloggers.

Nakuhanan ng panayam ng ABS-CBN News ang may ari nito na siya rin ang gumagawa at nagluluto nito kahit na ay may edad na. Ayon kay Aling Tessie, halos ilang dekada na siya gumagawa nito.

Sinanay niya sarili niya gumawa nito pero mas malaki kumpara sa mga nakikita niya sa palengke nila dati.

Saad rin niya na kaya niyang gumawa halos ng isang libo ng kaniyang mga valencia dati, ngunit swerte na daw kung maka-150 siya ngayon dahil sa kaniyang edad.

Sabi rin niya na bukas daw siya araw-araw puwera lang Linggo.
Sabi rin niya na bukas daw siya araw-araw puwera lang Linggo.
ADVERTISEMENT
Sa probinsya naman ng Rizal, hindi lang sa pamamagitan ng pabasa o prusisyon ipinakikita ng mga deboto ang kanilang pananampalataya.

Sa isla ng Talim sa Binangonan at sa bayan ng Angono, ang pagkain ay hindi lang pantawid-gutom, kundi bahagi ng panata at ng tradisyon.

LUMPIANG PABASA
Sa bayan ng Angono na tanyag bilang Art Capital ng bansa, nagsisilbi ring isang anyo ng sining ang pagkain. Tuwing sasapit ang Mahal na Araw, isa sa mga pangunahing ihinahain ng mga taga-Angono ang Lumpiang Pabasa.

Kadalasang ihinahalintulad sa lumpiang hubad, sinasahugan ito ng singkamas, tokwa, carrots, at kamote na dinadagdagan ng peanut butter at atsuete o annatto bilang pampalasa at pampakulay.

Courtesy: Angono Public Information Office
Ayon kay Erick Bautista, isang catering chef na nasa 20 taon nang nagluluto ng lumpiang pabasa, bukod sa naging bahagi na ito ng kanilang panlasa at kultura na kalaunan ay nakasanayan nang ihain tuwing Semana Santa, aniya, tipid at abot-kaya sa bulsa ang paghahanda nito.

“Ang lumpiang pabasa naman, kaya ‘yan naging traditional dito sa Angono kasi ‘yan ang pinakamurang gulay na [pwede mong lutuin]. Actually, ‘di ba, mahal ang mga gulay ngayon.”

Ayon pa kay Bautista, may mga deboto nang nagpapaluto ng lumpiang pabasa pagkapasok pa lamang ng Kuwaresma—“Kapag nag-Ash Wednesday na siya, marami na. Usually kapag may pabasa ng Santo, kahit hindi pa Lunes Santo, mayroon nang nagpapaluto ng lumpiang pabasa.”

Mas dumarami naman aniya ang nagpapaluto kapag tumuntong na sa pagsisimula ng Holy Week, partikular na kapag Palm Sunday o palaspas.

Ang pagiging espesyal ng lumpiang pabasa, hindi lang naman daw matitikman tuwing Mahal na Araw. Dahil kahit walang okasyon, paborito itong lantakan ng mga taga-Angono. Ngunit mas masarap at madali itong lutuin tuwing Semana Santa dahil in-season ang singkamas na itinuturing na 'main character' ng putahe.

“Minsan kasi mahirap [magluto]. ‘Pag hindi uso… seasonal ‘yung singkamas. Kumbaga, hindi maganda ang texture ng singkamas, medyo tuyo. ‘Di katulad ngayon, ang singkamas—kapag uso, napaka-fresh, matubig,” ani Bautista.

Bukod pa sa orihinal na recipe ng lumpiang pabasa, may isang klase rin nito na hinaluan ng kakaibang twist ng mga taga-Angono—ang lumpiang pabasa with condensed milk.

Iba sa nakasanayang lumpiang pabasa na mamula-mula ang kulay dahil sa atsuete o annatto, condensed milk ang ginagawang alternatibong sangkap sa variation ng naturang pagkain, kaya kulay puti ang kulay nito.

Ngunit ano pa mang klase ng lumpiang pabasa ang ihain—ang nakagawian man o may kakaibang twist—nakabisado na nito ang panlasa ng mga taga-Angono. At kung kabisado na ng mga tagatikim ang linamnam ng lumpiang pabasa, kabisado na rin ni Bautista ang bawat hakbang sa pagluluto nito.

“Sa tagal ko na siguro, tanda ko na ‘yung lasa at saka kapag nandoon na, kita ko na agad. Kumbaga sa kanta, kapag palagi mong kinakanta, kabisado mo kahit nakapikit ka.”

Photo courtesy: Maicah Ponelas

BURONG KANDULI
Sa karatig-bayan naman ng Angono na Binangonan, isang tradisyunal na pagkain na gawa sa binurong kanin at isda ang hindi mawawala sa hapag ng mga taga-Talim Island tuwing Semana Santa.

Sabi nga ng iba, ‘kung may tiyaga, may nilaga’. Ngunit para sa mga residente ng Talim na nagluluto ng kanilang ipinagmamalaking pagkain, hindi nilaga ang inaabangan nilang reward—kundi ang putahe na dumaraan muna sa pagkahaba-habang proseso bago mapagsaluhan.

Tinatawag na ‘burong kanduli’, karaniwang inaabot ng apat hanggang limang araw ang proseso ng pagbuburo nito na kadalasang hinahaluan ng isdang kanduli—isang uri ng catfish na endemic sa bansa at kadalasang matatagpuan sa Laguna de Bay. Iginigisa naman ang buro matapos itong i-ferment, kung saan lalagyan ito ng kakang gata at ng iba’t ibang klase ng gulay tulad ng kangkong at toge.

Video courtesy: Talim Islander/Facebook
Ayon sa content creator na si Maicah Ponelas na mas kilala bilang “Talim Islander”, bahagi na ng tradisyon ng mga taga-Talim Island ang pagluluto ng burong kanduli tuwing sasapit ang Semana Santa. Bukod sa gulay at isda ang pangunahing sangkap nito, isa pang mahalagang pagkakakilanlan ng naturang pagkain ang diwa ng pagbibigayan at pagtutulungan sa kanilang lugar.

Ani Ponelas, “Ang nilulutong buro tuwing pabasa ay marami. Minsan, halos kalahating drum na malaki [at] napapakain nito ang halos buong nayon at karatig-barangay.”

“Pamana pa ito ng mga matatanda dito sa amin,kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin ang ganitong tradisyon,” dagdag pa niya.

Hindi lang minsan isang representasyon ng iba't ibang uri ng panlasa ng mga rehiyon ang mga pagkaing ihinahain sa hapag-kainan. Madalas, nagsisilbi itong bahagi ng kultura, pagkakakilanlan, tradisyon, at higit sa lahat, ng pananampalataya.

Mula sa crispy okoy ng Malabon hanggang sa burong kanduli ng Binangonan, ang mga putaheng ito ay hindi lang basta pagkain, kundi mga simbolo ng pananampalataya at diwa ng komunidad.