Penitential walk, pagninilay maging sa suliranin ng bansa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Penitential walk, pagninilay maging sa suliranin ng bansa

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Tahimik pero makabuluhan ang penitential walk ng mga deboto mula sa St. Joseph Shrine sa Aurora Boulevard, Quezon City patungo sa Real Monasterio de Santa Clara de Manila sa Katipunan Avenue nitong Kuwaresma.

Inasahang tatagal lang ng 35 minuto, pero umabot ito nang halos tatlong oras dahil sa paghinto sa bawat 14 na istasyon ng krus.

Sa bawat hinintuan, taimtim na nanalangin ang mga lumalahok, na nagtulong-tulong ding pasanin ang isang malaking krus.

Hindi lang paggunita sa hirap at sakripisyo ni Hesus ang penitential walk, kundi pagninilay din sa mga suliraning kinakaharap ng bansa ngayon.

Ayon kay Fr. Angel Cortez, OFM, co-executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines, panata rin ito para sa kalikasan, mga biktima ng extrajudicial killings, at iba pang isyung panlipunan.

Sa kabila ng mainit na panahon, nagpatuloy ang mga deboto at narating ang monasteryo bandang alas-7 ng gabi.

Tagaktak man ang pawis, dala nila ang pananampalataya at panalangin para sa bayan.

– Ulat ni Izzy Lee, Patrol ng Pilipino
Video edited by Izzy Lee; post-production by Roberto Miguel Yabut
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT