VIRAL: Babae na-book ang ex-boyfriend sa motor taxi app | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Babae na-book ang ex-boyfriend sa motor taxi app

ABS-CBN News Intern,

Fritz Aranda

 | 

Updated Apr 15, 2025 06:01 PM PHT

Clipboard

Screengrab mula sa TikTok/@helloitsmelaaaaaaaaScreengrab mula sa TikTok/@helloitsmelaaaaaaaa

MAYNILA — Nag-viral sa social media kamakailan ang isang TikTok video kung saan ikinwento ng isang netizen ang hindi inaasahang pagkikita nila ng kanyang ex-boyfriend--hindi sa isang reunion o coffee shop, kundi bilang kanyang motor taxi rider. 

Sa isang TikTok post, ibinahagi ng user na si @helloitsmelaaaaaaaa kung paano niya aksidenteng na-book ang kanyang first boyfriend noong high school.

Ayon kay Mela, 10 taon na ang lumipas mula nang huli silang magkausap. Sa kanilang naging biyahe, muling lumutang ang matagal nang hindi napag-uusapaang isyu sa kanilang nakaraang relasyon. 

"Hindi niya alam kung bakit ko siya iniwan. He asked me and alam na niya kung bakit," dagdag pa niya sa kanyang viral post. 

ADVERTISEMENT

Umani ang post ng samu't saring reaksyon mula sa netizens, kung saan may mga kinilig at natuwa.

"Nag-cancel po ba o nag-relapse," sabi sa isang comment.

"The fact na hindi kinasel ni rider 'yung booking," dagdag ng isa pang netizen.

Hirit naman ng isa pang netizen: "Love is sweeter than second time around."

Bagama't may mga kinilig at naaliw, mayroon ding ilang negatibong komento.

ADVERTISEMENT

"Bakit parang kinikilig ka pa rin?" tanong ng isang netizen.

"Teh pwede mo talaga i-cancel," puna ng isang user.

Dahil sa dami ng reaction ng netizens, naglabas si Mela ng ikalawang video upang ipaliwanag ang buong pangyayari.

Dito, ikinuwento niya na nagkaroon sila ng maikling "closure" matapos niyang maipaliwanag ang tunay na dahilan kung bakit niya nilisan ang kanilang relasyon noon. 

"Nagtanong siya, 'bakit mo ba kasi ako nilayuan?'" kwento niya sa TikTok post.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ni Mela, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon, partikular na tungkol sa isang babae. 

Bukod dito, sinabi rin niyang isa rin sa dahilan ng kanilang paghihiwalay ang kanyang paglipat ng probinsya, na nagdulot ng posibilidad ng long-distance relationship. 

Sinabi rin niya na sa kabila ng kanilang nakaraan, masyado pa silang bata noong mga panahon na iyon, kaya't hindi nila nagawang magtagal. "At the same time, we are both young... around 14-15 years old kami," dagdag niya.

Sa huli, nilinaw ni Mela na bagama't nagkausap sila ng kanyang ex, wala nang tsansang magkabalikan sila. 

Sinabi rin niya na may kasalukuyang kasintahan na ang kanyang ex-boyfriend at may manliligaw na rin sa kanya ngayon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.