'Tao Po': Inborn disability ni Bermin Rigor hindi naging hadlang sa paggawa ng magagandang obra | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po': Inborn disability ni Bermin Rigor hindi naging hadlang sa paggawa ng magagandang obra

'Tao Po': Inborn disability ni Bermin Rigor hindi naging hadlang sa paggawa ng magagandang obra

ABS-CBN News

Clipboard

'Tao Po': Inborn disability ni Bermin Rigor hindi naging hadlang sa paggawa ng magagandang obra
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Hindi hadlang ang kay Bermin Rigor ang kanyang inborn disability para maibahagi niya sa publiko ang kaniyang talento.

Binibigyang-kulay ni Bermin ang kaniyang mga obra hindi gamit ang mga kamay, kung hindi ng kaniyang mga paa.

Mula pa noong bata siya, nakagabay na sa kanya ang kaniyang mga magulang.

"Dahil sa pagmamahal ng nanay ko at saka ng pamilya ko, na hindi nila ako pinabayaan, kaya lumakas ang loob ko na harapin ang hamon ng buhay kahit ganito na may kapansanan na mag isip ng paraan para hindi lang basta nakamukmok ka lang sa isang tabi, na kahit may kapansanan ka, meron ka pa lang maraming magagawa sa buhay," ani ni Bermin sa isang panayam kung bakit siya patuloy na lumulikha ng sining sa kabila ng kaniyang kondisyon.

ADVERTISEMENT

Dahil sa patuloy na pagpapamalas ni Bermin ng kaniyang talento sa social media, nakatawag ito ng pansin ng publiko.

Kalauna'y naging breadwinner siya ng kaniyang pamilya. Bukod sa pagtitinda ng kaniyang mga paintings, nakatatanggap na rin si Bermin ng mga commissions na nagbigay-daan para unti-unti niyang mapagawa ang kanilang tahanan.

Dagdag pa rito, unti-unti na rin siyang nag-iipon bilang paghahanda sa pagpasok sa kolehiyo ng kaniyang bunsong kapatid.

Nais ni Bermin na ipakita sa publiko na ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi hadlang upang magkaroon ng makulay at masayang buhay.

Kwento ni Bermin, "kasi iniisip nila na malungkot kasi nga may kapansanan. Gusto ko na hindi nila isipin na ganoon sa akin, na masaya pa din ang buhay kahit may kapansanan."

ADVERTISEMENT

Sa bawat paghagod ng kaniyang brush sa canvas, hindi lamang talento ni Bermin ang kaniyang naipapamalas, kasama dito ang pagmamahal at pangarap niyang buhay para sa kaniyang pamilya.

Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (March 23, 2025)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.