VIRAL: Customer na may dalang aspin, hindi pinapasok sa 'pet-friendly' restaurant | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Customer na may dalang aspin, hindi pinapasok sa 'pet-friendly' restaurant

ABS-CBN News Intern,

Chelsea Arcilla

 | 

Updated Sep 11, 2024 10:19 AM PHT

Clipboard

Si Yoda, ang aspin na hindi pinapasok sa sinasabing "pet-friendly" restaurant. Lara Antonio/Facebook

Viral ngayon ang Facebook post ng isang fur parent na nagpahayag ng hinaing matapos hindi payagang pumasok sa isang Filipino restaurant sa Tagaytay kasama ang kanyang dalawang alagang aso. 

Ayon kay Lara Antonio, batid niyang "pet-friendly" ang Balay Dako sapagkat dati na silang naging customer nito. Kaya hindi niya inakala na sa sunod niyang pagpunta, kasama ang mga alagang asong sina Yoda at Ari, ay magkakaroon ng aberya. 

Kuwento ng fur parent, hinihintay niyang lumabas ang kaniyang kasama na bumili ng diaper sa loob ng restaurant upang malagyan ang kaniyang alagang aso. 

Maya-maya, isang lalaking staff umano ang nakakita kay Yoda, at nagpabalik-balik at bumulong sa kasamahang nasa front-of-house.

ADVERTISEMENT

Nabigla si Antonio nang ipaalam sa kaniya ng front-of-house na hindi pwede si Yoda sa nasabing establisyimento. Dagdag pa niya, tinanong aniya siya kung ano ang breed ng kanyang aso. 

"I have a weird gut feeling immediately so instead of aspin, I say 'mixed breed.' I've dealt with this before. I know this and as annoying as it is, 'mixed breed' is more palatable to elitist establishments like Balay Dako, apparently," paliwanag ni Antonio sa Facebook post.

Pasok sa lahat ng qualifications ng restaurant ang mga alagang dala ni Antonio kung kaya't ipinagtataka niya kung bakit bigla na lang silang hindi pinayagang makapasok. Hinala niya, ito ay dahil aspin si Yoda.

Mariin itong tinanggi ng staff ng Balay Dako, na sinubukan pa raw magpaliwanag na may dating insidente na ng asong nakakagat ng customer sa restaurant. 

Diin ni Antonio, walang kinalaman ang kanyang mga alaga doon. "That's not my dog's fault? It's the owner's fault. So don't say you're pet-friendly and let labradors in, but not my aspin," aniya. 

ADVERTISEMENT

Sa kabilang banda, humingi ng paumanhin ang Balay Dako tungkol sa "hindi pagkakaintindihan" pagdating sa kanilang pet policy. 

Sa isang Facebook post, ipinaliwanag ng restaurant na maliban sa pag-a-accommodate ng mga alagang hayop, kinokonsidera rin nila ang kaligtasan at espasyo ng lahat ng kanilang customers.

Nilinaw din ng Balay Dako na kasalukuyan na nilang inaaral ang kanilang polisiya upang masigurong malinaw at balanse para sa mga pet owners at non-pet owners.

Siniguro rin ng nasabing restaurant na nagagabayan ang kanilang mga staff pagdating sa kanilang mga polisiya.

Sa sumunod na post ni Antonio nitong Lunes, sinabi niya na hindi humingi ng pasensya ang Balay Dako sa kaniya, at hindi rin ito ang pakay niya rito.

ADVERTISEMENT

Labis naman ang pagkadismaya ng mga netizens matapos makita ang Facebook post ni Antonio, na nagresulta ng pag-iiwan ng hindi magandang reviews sa Facebook page ng Balay Dako.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.