Calamba, Laguna ipinagdiwang ang ika-163 kaarawan ni Jose Rizal | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Calamba, Laguna ipinagdiwang ang ika-163 kaarawan ni Jose Rizal

Calamba, Laguna ipinagdiwang ang ika-163 kaarawan ni Jose Rizal

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Iba't ibang aktibidad ang isinagawa sa Calamba City, Laguna noong Martes, Hunyo 18, para sa ika-163 kaarawan ni Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas.

May temang "Isang Dekada ng Saya at Parangal sa mga Bayani ng ating Bayan" ang Buhayani Festival ngayong taon.

Kabi-kabilang kompetisyon rin ang isinagawa tulad ng art painting, talinong Rizal quiz bee, at iba pang programang binuo ng Sangguniang Lunsod ng Calamba sa pamumuno ni Mayor Ross Rizal. 

Tampok sa pagdiriwang ang float parade, street dance competition, at pag-aalay ng bulaklak para kay Rizal. Dumalo sa pista ang ilang kawani ng gobyerno, sa pangunguna ni Sen. Imee Marcos, na kumatawan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“Ang himagsikan ay nagmumula sa damdamin at isipan, sa pagbabago ng ating paninindigan, sa paghubog ng paniniwala na ang bawat nilalang ay may karapatan maging malaya, iyan talaga ang salita at turo ng ating dakilang bayani, ‘yan din ang dapat nating buhayin sa araw ng kaniyang kaarawan,” ani Marcos. 

ADVERTISEMENT

Dumalo rin ang mga natitirang kamag-anak ni Rizal upang pangunahan ang pag-aalay ng bulaklak sa namayapang bayani. —Ulat ni Judea Tagal, ABS-CBN News intern

KAUGNAY NA VIDEO

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.