‘Bahay na Tisa’ sa Pasig naging kanlungan sa higit 170 taon nito | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Bahay na Tisa’ sa Pasig naging kanlungan sa higit 170 taon nito

‘Bahay na Tisa’ sa Pasig naging kanlungan sa higit 170 taon nito

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Nagbigay kanlungan sa mga nangangailangan -- mula sa mga magsasaka noong panahon ng mga Kastila hanggang sa mga nakipaglaban sa pulitika noong Martial Law -- ang Bahay na Tisa sa Pasig City.

Pinangangalagaan na ito ng ikapitong henerasyon ng pamilya Tech na siyang nagtayo rin nito noon pang 1846.

Isa ito sa mahigit 1,800 historical marked sites sa buong bansa na kinilala para sa papel nila sa kasaysayan ng Pilipinas.

Inatasan ng batas ang National Historical Commission of the Philippines na pangalagaan ang mga ito.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa mga lumang gusali na katulad ng Bahay na Tisa ang Bahay Nakpil na tinirhan ng ilang bayani ng rebolusyon, at ang pinag-imprentahan ng diyaryong Ang Kalayaan, kapwa nasa Maynila.

Gamit naman ang mga heritage walk at tour, sinisikap ng mga grupo gaya ng Renacimiento Manila na mapalaganap ang kwento ng mga makasaysayang lugar na ito at maipamana sila sa susunod na henerasyon.

– Ulat ni Doris Bigornia, Patrol ng Pilipino
 

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.