'Marites'-themed pre-wedding photoshoot, nag-viral sa TikTok | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Marites'-themed pre-wedding photoshoot, nag-viral sa TikTok
Cielo Gonzales,
ABS-CBN News
Published May 23, 2024 06:27 PM PHT

Heads up, mga marites!
Heads up, mga marites!
Pumukaw sa atensyon ng netizens ang kakaibang pre-wedding photo shoot na naka-upload sa TikTok, kung saan imbes na robes, mga duster at roller ang suot ng bride at kanyang bridesmaids!

Sabi ng bride na si Lyka Collantes, gusto talaga niya na naiiba ang tema ng naturang photo shoot kasama ang kaniyang bridesmaids na binubuo ng mga kaibigan at pinsan niya.

Kaya rin daw "Marites" ang tema ay dahil parte na ng kanilang pagkakaibigan ang kwentuhan at tawanan bilang ito ang kanilang bonding.

"With the right squad of friends, pagiging marites on and off cam was effortless!" pahayag ni Collantes.

Nais din daw niya na magbigay-inspirasyon ang konseptong ito sa mga katulad niyang bride, na dapat en-joyin lang nila ang photo shoot.

"[This is] also to inspire other brides na mag-try ng concepts where they are most comfortable and fun to begin with para mas maging memorable and event or day nila,” dagdag pa niya.

Si Bayan Patroller Faith Esteban ang wedding content creator ni Collantes. Para sa kaniya, ito na ang pinaka-unique na photo shoot na kaniyang nakuhanan.

Sa ibinahagi rin niyang video, makikitang nakasuot naman ng pambahay ang groomsmen sa pre-wedding photo shoot.

“Seeing my clients enjoy their special moments po is very important for me as a wedding content creator. Kasi their happiness not only shows the authenticity of the footage but also contributes to creating a more meaningful output para ma-relive nila 'yung mga magagandang memories during that day,” saad ni Esteban.