Mini museum para sa namayapang 100-anyos na beterana, isinagawa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mini museum para sa namayapang 100-anyos na beterana, isinagawa
Jose Carretero,
ABS-CBN News
Published Mar 31, 2024 05:44 PM PHT
|
Updated Mar 31, 2024 06:44 PM PHT

Isa sa mga memorial boards para kay Lt. Mercedes Cuello Lazaro Musngi, o "Mommy Ched."

MAYNILA -- Bilang pagbibigay pugay sa namayapang lola, ginawan ng 25-anyos na apo na si Ylaysha Musngi Gosiaco ng "mini museum: memorial boards" ang kaniyang lola na si Lt. Mercedes Cuello Lazaro Musngi.

Noong Marso 13, 2024, pumanaw ang beteranang mas kilala sa tawag na "Mommy Ched" na umabot sa edad na 100 years at 7 months old.

Beterana ng World War II si Mommy Ched.
Beterana ng World War II si Mommy Ched.
Sa kaniyang pagpanaw, nagbigay saludo sa kaniya ang pamilya at mga doktor sa ospital kung saan siya namayapa.
Sa kaniyang pagpanaw, nagbigay saludo sa kaniya ang pamilya at mga doktor sa ospital kung saan siya namayapa.
ADVERTISEMENT
Ang huling saludo ng pamilya para kay "Mommy Ched."

Nagsilbi si Mommy Ched bilang guerilla combatant sa loob ng tatlong taon nang sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas, kung saan naging papel niya ang tumulong sa mga medikal na gawain, tulad ang pagputol ng paa ng mga sundalong natatamaan ng bala sa giyera, sa edad na 16-anyos.

Ito rin ang dahilan kung bakit matapos ang giyera ay nagdesisyon siyang kumuha ng kursong medisina. Dahil kasama siya sa mga guerilla, nakakuha siya ng full scholarship mula sa Amerika.

Pero hindi tinapos ng World War II ang pagsisilbi ni Mommy Ched dahil bahagi ng natatanggap niyang pensiyon, bilang beterano ng giyera, ay binibigay niya sa foundation sa Amerika para sa mga naputulan ng mga paa at kamay, ayon sa kaniyang anak na si Kit Lazaro Gosiaco.

"I believe by giving to the paralyzed veterans of America, in that way she could be comforted, baka sakaling ang pagbibigyan ko ay isa doon na na-amputate ko. In other words and in short, hinanap niya sila and somehow to give something, maybe not only to that soldier but also for the family of that soldier. And that is her heart, hanapin sila, maging part pa rin siya ng kanilang buhay by giving," ani Kit.

Bilang doktor, nagsilbing infectious doctor sa San Lazaro Hospital si Mommy Ched nang halos apat na dekada.
Bilang doktor, nagsilbing infectious doctor sa San Lazaro Hospital si Mommy Ched nang halos apat na dekada.
ADVERTISEMENT
Kahit retirado na, tumigil lang sa paggagamot noong 90-anyos na siya dahil madalas umano itong nagsasagawa ng medical mission at outreach program sa bansa, ayon sa apo nitong si Ylaysha.

Sa tulong ng ilang volunteers, gumawa ng mini museum si Ylaysha sa burol ng kaniyang lola kung saan makikita dito ang pinagdaanan ng kaniyang lola mula noong sumabak ito bilang guerilla combatant at doktor.

Naka-display rin ang mga unang gamit ni Mommy Ched bilang doktor.

Mga bahagi ng mini museum ni para kay Lt. Mercedes Cuello Lazaro Musngi, o "Mommy Ched."

"So we could remind all the visitors, all the people, soldiers who come here every night that this is our past, this is our story. That she must not be forgotten because she is a silent hero. Hindi po siya nagkwento pero kami po ku-kwento namin siya as our last way of respect," wika ni Ylaysha.

Pero bukod sa pagiging beterana ng giyera, pinatunayan din ni Mommy Ched ang pagiging ilaw at haligi ng tahanan sa kanyang pitong anak, kahit maaga siyang nabiyuda sa edad na 38.

"Meron siyang isang salita... Kahit na nag-iisa siya, kahit na widow siya, naigapang niya kaming lahat na makapagtapos ng pagaaral at nakita ko kung paano siya inarmasan ng Diyos at ginawa siyang manggagamot," ayon sa panganay na anak nitong babae na si Lulu Lazaro Musngi.

Ihahatid si Mommy Ched sa Libingan ng mga Bayani sa Abril 2 kung saan mapapabilang ito sa iilan lamang na mga babaeng combat guerilla noong World War II na nakahimlay rito.

Read More:
Mercedes Cuello Lazaro Musngi
World War II
guerilla
doctor
veteran
Libingan ng mga Bayani
Ylaysha Musngi Gosiaco
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT