SILIPIN: Kamay ni Hesus 'healing church' sa Lucban, Quezon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SILIPIN: Kamay ni Hesus 'healing church' sa Lucban, Quezon
ABS-CBN News
Published Mar 28, 2024 11:55 PM PHT

LUCBAN, Quezon — Ang Kamay ni Hesus Healing Church, na kilala din sa tawag na Kamay ni Hesus Shrine, ay isang Roman Catholic Church at tourist destination sa bayan ng Lucban.

Ito ay isang sikat na pilgrimage destination na matatagpuan sa mga dalisdis ng Bundok Banahaw sa Lucban-Tayabas Road, Barangay Tinamnan, na nasa 120 kilometers sa timog ng Metro Manila. Sinimulan itong itayo noong 2003 at natapos noong 2004.

Ang bisinidad ng Kamay ni Hesus ay malawak at punong-puno ng mga luntiang kapaligiran na akmang-akma sa mga mahilig sa kalikasan.

Ang mismong simbahan ay tinatawag na Healing Chapel na may kapasidad na nasa 1,000 katao. Ngunit dahil sa malimit na overcrowding, itinayo sa gilid nito ng isa pang gusali na tinatawag na Healing Dome.

Noong 2022, dahil sa patuloy na pagdami ng mga bumbisita, itinayo kaharapan ng Healing Chapel ang panibagong simbahan na tinawag na Healing Church of the Risen Christ.

Ang dambana ay mayroon ding outdoor museum na nagpapakita ng mga replika ng mga pangyayari at karakter sa Bibliya.

MGA PASILIDAD AT ATRAKSYON
Ang simbahan ay kilala sa kanyang healing masses na pinangungunahan ng kilalang healing priest na si Fr. Joey Faller.

Bukod sa Healing Church, ang shrine ay nagtatampok din ng Via Dolorosa Grotto, Noah’s Ark, Sea of Galilee, Holy Family Park, at ang Pastoral Center.

Via Dolorosa Grotto
Ang Via Dolorosa Grotto ay isa sa mga icon ng Kamay ni Hesus. Ito ay nagtatampok ng 292 na hakbang na may 50-foot na estatwa ni Hesus Kristo sa tuktok ng burol.

Ang estruktura ay sinasabing ikatlong pinakamalaki sa mundo.

Sa Semana Santa, asahan na ang lugar na ito ay puno ng mga deboto at turista.

Ikinokonsidera ng marami na ang pag-akyat sa mga matatarik na hagdan na ito ay bahagi ng kanilang "penitensya" sa diwa ng kuwaresma.

Garden of Eden
Ang shrine ay mayroon ding espasyo para makapaglaro ang mga bata.

Ang labasan mula sa Via Doloroso Groto ay bubungad na sa Garden of Eden. Masisiyahan ang mga pamilyang may mga bata sa pagbisita sa lugar dahil available ang mga slide sa simpleng palaruan nito.

Noah’s Ark
Katabi ng Garden of Eden ay ang Noah’s Ark sa Kamay ni Hesus, na isang replika ng arko ni Noah na matatagpuan sa loob ng shrine. Ito ay isa rin sa mga sikat na lokasyon para sa mga picture taking ng mga pilgrims.

Bukod sa pagiging isang atraksyon, ang Noah’s Ark ay ginagamit din bilang isang Retreat House at souvenir shop.

Holy Family Park
Matatagpuan sa isa sa mga burol sa paligid ng simbahan ay ang Holy Family Park na isa rin sa paboritong atraksyon sa shrine. Nagpapakita ito ng iba't ibang biblical events at mga life-sized Marian images at mga santo.

Kabilang dito ang mga imahen ng Divine Mercy, Our Lady of Fatima, Our Lady of Guadalupe, Our Lady of Perpetual Help, Our Lady of The Most Holy Rosary, Our Lady of The Most Holy Rosary, Our Lady of Sorrows, Mary Mother Of God, Our Lady of Peñafrancia, at malaking imahen ng Our Lady of Mount Carmel .

Hindi kalayuan sa Our Lady of Mount Carmel ay ang halos kaparehas ng orihinal na masterpiece ni Michelangelo Buonarroti na La Pieta.

Sea of Galilee
Isa rin sa mga aktraksyon sa shrine ay ang Sea of Galilee na nagtatampok ng mga eksena o mga karakter mula sa Bibliya na may kaugnayan sa Sea of Galilee.

Pastoral Center at iba pa
Kabilang sa iba pang mga pasilidad sa shrine ay ang Pastoral center na ginagamit para sa mga aktibidad ng simbahan tulad ng mga seminar, retreats, at iba pang mga gawain na may kaugnayan sa pastoral care.

Mayroon ding maliliit na estruktura para confession room at devotion room.

PAANO PUMUNTA SA KAMAY NI HESUS SHRINE
Ang pagtungo sa Kamay ni Hesus shrine ay nasa 3 hanggang 4 na oras na biyahe mula sa Metro Manila.

Para makarating sa shrine mula sa Metro Manila, sumakay ng bus sa Kamuning o Buendia patungo sa Lucena City grand terminal.

Mula sa Lucena City grand terminal, maikling jeepney ride o mga passenger van na lamang ang shrine.

Sa mga may pribadong sasakyan, tunguhin lamang ang direksyon ng bayan ng Lucban at bago dumating sa town proper ay makikita na ang shrine.

Isa pang alternatibong daan para sa manggagaling sa Metro Manila at Rizal ay ang Manila East Road na patungo sa Quezon via Pagsanjan, Cavinti at Luisiana na mga bayan sa Laguna.

Hindi rin problema ang parking sa loob ng shrine dahil may malawak itong parking area bukod pa sa mga pinapaupahang private area sa labas ng pasilidad.

Katabi naman ng parking area ay ang mga kainan na nasa loob din ng shrine na nagtatampok ng mga lokal na putahe katulad ng sikat na longganisan Lucban at iba pang native food.

Mayroon din itong souvenir shop na nag-aalok ng mga religious items at mga naggagandahang souvenir mula sa shrine.

—Ulat ni Ronilo Dagos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT