Mga 'dragon,' 'di masuwerte ngayong Year of the Dragon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga 'dragon,' 'di masuwerte ngayong Year of the Dragon

ABS-CBN News
Published Feb 09, 2024 09:45 PM PHT

MAYNILA -- Hindi magiging masuwerte ang mga taong may animal sign na dragon ngayong Year of the Wooden Dragon na magsisimula ngayong Pebrero 10.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, bisperas ng Chinese New Year, ipinaliwanag ng feng shui master na si Hanz Cua kung bakit hindi mapalad ang mga taopng ipinanganak sa mga taong 1964, 1976, 1988, 2000 at 2012 ngayong Year of The Wooden Dragon.

"Kapag Year of the Dragon ka at Year of the Dragon ngayon, hindi suwerte sa iyo ang taong ito. Bakit? Dahil 'yon sa tinatawag na Year God o 'yung nakabantay ngayong taon na ito o 'yung nakaupo sa bahay ng dragon. So lahat ng bagay na gagawin niya, sinisita kaagad siya," paliwanag ni Cua.

Ayon kay Cua, ang mga animal signs na Dragon, Dog, Ox, at Sheep ay may conflict ngayon sa Year God. Para maiwasan ang clash, pinapayong iwasan muna ang maging maingay sa southeast direction.

Dapat ring bantayan ng mga ipinanganak sa Year of the Dragon ang kalusugan dahil mahina ito ngayong 2024. At dahil sa problemang pangkulusagan maaring maapektuhan nito ang pinansiyal na estado.

Payo ni Cua, mag-invest ngayon sa health card, maging aktibo at mag-ehersisyo.

Para naman sa pag-ibig, payo ni Cua na maging maunawain ang partner dahil emosyonal ang mga dragon ngayong taon.