Love the Philippines’ tourism campaign umarangkada sa Europe | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Love the Philippines’ tourism campaign umarangkada sa Europe

Love the Philippines’ tourism campaign umarangkada sa Europe

Mye Mulingtapang,

at Jessica Gross ABS-CBN Europe News Bureau

Clipboard

Mula Europa hanggang Asya at North America, todo arangkada na ang “Love the Philippine” tourism campaign.  


SPAIN

Sa Spain, bumida ang ‘Love the Philippines campaign’ sa Madrid Feria Internacional de Turismo (FITUR), ang pinakamalaking travel at consumer fair na ginanap sa IFEMA Madrid nitong January 24 hanggang 28. Mahigit 250,000 at 9,000 kumpanya mula mahigit 150 bansa ang dumalo sa event. 


Sa ilalim ng pamumuno ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, target ng Pilipinas ang 7.7M+ visitor arrivals sa 2024 na nakasentro sa higher spending at longer staying European markets. 


                                                                                             Photo courtesy by Ohzum Media Productions


Ang Spain ay isang mahalagang source market na nakapagtala ng mataas na rebound rate na 85% noong 2023 base sa Spanish outbound travels sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT


Sabi ni Philippine Ambassador to Spain Philippe J. Lhuillier bilang second most visited country in the world ang Spain ay maraming matututunan ang Pilipinas pagdating sa turismo.


                                                                                            Photo courtesy by Ohzum Media Productions


"We have three missions. One, find out the secret to the success and adapt their practice and techniques of technology. Two, sell, sell, sell Philippine tourism to the world. Third, rally behind our national leadership to build and improve our connectivity with the rest of the world so they can reach our shores comfortably, quickly, safely, and most importantly happy," paliwanag ni Lhuillier.


Ang Team Filipinas, na pinamumunuan ni Tourism Undersecretary Shereen Yu-Pamintuan, ay binubuo ng mga delegado mula sa PH Department of Tourism, local government units, House of Representatives sa pangunguna ni Cong. Jinky Luistro (Tourism Committee Vice Chair), at business sector na binubuo ng resort owners, travel agency at real estate company.


                                                                                            Photo courtesy by Ohzum Media Productions


Naaliw naman sa mga exhibition ng kulturang Pilipino ang mga dumalo sa travel at consumer fair. Itinampok ang katutubong sayaw at flair bartending ng Pinoy champion bartender na si Dennis Barela Adiuba. 


Para kay James Enriquez, residente ng Madrid, magandang pagkakataon ang FITUR para maibida sa mga Espanyol at ibang lahi ang ganda ng Pilipinas.


“Nakakatuwa na marami talagang Europeans lalo na ang mga Espanyol na interesadong bumisita sa Pilipinas. So through Love The Philippines mas naipapakilala pa natin ang ating bansa hindi lang mga tourist destinations pati ang ating makulay na kultura, tradisyon, lenggwahe at pagkain,” ani ni Enriquez.


                                                                                               Photo courtesy by Ohzum Media Productions


ITALY

Samantala sa Italya, agaw pansin din ang #Love The Philippines campaign ng Department of Tourism sa mga tram sa Milan at Rome na nagpo-promote ng scuba diving, 51 taxi wraps na may kahanga-hangang mga larawan ng Philippine festivals, beaches, nature, adventure, at surfing.


Pumalo ng 79.20% noong 2023 ang Italian outbound travel sa Pilipinas. Mas mataas sa projected 62% arrival recovery rate sa buong Asia-Pacific Region ayon kay Gerry Panga, Tourism Attaché to the UK and Director for Northern & Southern Europe DOT-London.



                                                                                                                 Photo courtesy of DOT

                                                  

Photo courtesy of DOT


      

UNITED KINGDOM 


Ginanap ang activation ng #LoveThePhilippines sa iconic London Waterloo Station noong Enero 11, 2024. Tinatayang nasa 250,000 pasahero ang dumadaan sa Waterloo Station kung saan makikita sa malalaking LED screen ang promotional video ng DOT ng mga sikat na destinasyon sa Pilipinas.

Para sa British-Pinoy na si Malcolm Conlan and slogan na Love The Philippines ay hindi lang mensahe para mangengganyo ang mga turista na bumisita sa Pilipinas kundi pati na rin sa mga Pilipino na ipagmalaki at mahalin ang bansa.


"I'm so pleased with this campaign Love The Philippines. It's so bright, it's so vibrant. It's really eye-catching," sabi ni Conlan.


Photo courtesy of DOT


               

                                                        


GERMANY


Partner country ang Pilipinas sa CMT Urlaubsmesse tourism expo ginanap sa Stuttgart, Germany. May 70,000 ang bumisita sa unang dalawang araw ng pagbubukas ng tourism expo. 

May mahigit 2,000 exhibitor firms at 150 stalls mula sa iba-ibang bansa tulad ng Bulgaria,Turkey, Croatia, bansa mula Latin America, India, at iba pa.  

Ipinamalas sa expo ang mga Filipino folk dance, pagluluto, at ipinakilala ang pili nuts at kapeng barako na pinilahan ng mga bisitang Aleman at ibang lahi. Sabi ni DOT Director and Tourism Attache sa Frankfurt Dakila F. Gonzales, handa raw ang Pilipinas sa pagdating ng mga turista sa bansa at patuloy din ang pagpasasa-ayos ng inprastraktura sa bansa.

"Ang pinakamabentang produkto natin dito sa Germany when it comes to tour packages to the Philippines is under the category of adventure. And of course, if travelers are not looking for a mass tourism destination, it is expected that the infrastructure comes with it,” ayon kay Gonzales.

Proud ang Consul General sa Frankfurt na si Marie Yvette Banzon-Abalos na mapasama ang Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon sa CMT.

We want to show that in this world of increased anxiety, with the crisis, and the inflation with these problems, there is a unique offering the Philippines can have. Excited kaming i-representa ang secret sauce ng Philippine islands – the heart of the Philippines, what we have to give compared to others is the way we will fill the hearts of the visitors. They will not just get a dopamine kick through the eco-adventures but they will surely have a memorable experience because of the human connections that we are very much known for," sabi ni Consul General Marie Yvette Banzon-Abalos, PCG Frankfurt.


GLOBAL CAMPAIGN

May ongoing global branding campaign ang DOT hindi lang sa Europa pati na sa North America, Canada, USA, Japan, Korea, China at iba pang bansa. Kabilang ang overseas Filipinos sa 30% ng overseas travelers sa Pilipinas 

Ibinahagi naman ni Tourism Attache to the UK and Director for Northern & Southern Europe DOT-London Gerry Panga na may travel incentive program ang DOT na “Bisita Be Me Guest” na hinihikayat na maging tourism ambassador ang mga kababayan sa ibang bansa. Kabilang sa mga incentive ay house and lot, condominium unit, travel opportunities at shopping vouchers. 

Ang main role nila is to inform, invite all their foreign circle of networks from employers to colleagues, friends, extended relatives to visit the Philippines and even have a chance to win grand prizes in inviting and making the travel of the friends to the Philippines,” sabi ni Panga.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol. 


KAUGNAY NA VIDEO:




 


 




 






 



Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.