Pancit Cabagan ng Isabela, ibinida sa Minato International Cultural Exhibition | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pancit Cabagan ng Isabela, ibinida sa Minato International Cultural Exhibition

TFC News,
Annalyn Mabini,
Japan
Published Feb 13, 2024 02:33 PM PHT

JAPAN — Ibinida ang Pancit Cabagan ng probinsiya ng Isabela sa Pilipinas sa nagdaang Minato International Cultural Exhibition na ginanap sa Roppongi Hills at natapos noong February 6.

Ang Pancit Cabagan ng Isabel sa Pilipinas na ibinida sa Minato Int'l Cultural Exhibition sa Japan

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Japan, sa temang "Ambassador's Favorite Traditional Food" napabilang ang Pancit Cabagan ng Pinas na kilalang masarap na stir-fried noodle dish ng mga taga-Isabela na may vegetable toppings at may kasamang malutong na litsong baboy at nilagang quail eggs o itlog ng pugo.

Ang Minato International Cultural Exhibition ay taunang proyekto ng Global Community Planning Section ng gobyerno ng Minato City na nagsisilbing daan para sa mga residente na magbigay pagpapahalaga sa kultura ng ibang bansa.