PANOORIN: Kwentong multo, kababalaghan sa ilang pamantasan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Kwentong multo, kababalaghan sa ilang pamantasan

PANOORIN: Kwentong multo, kababalaghan sa ilang pamantasan

Patrol ng Pilipino

Clipboard

MAYNILA — Maging sa mga eskwelahan, buhay na buhay ang mga urban legend na bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa bawat unibersidad, tiyak na may kwentong kababalaghan na kinatatakutan at pinag-uusapan ng mga estudyante.

Ayon kay Margee Kerr, isang sociologist at horror expert, patok ang mga horror o ghost stories na pag-usapan ng mga estudyante dahil nakatutulong ito sa kanila na mapatibay pa ang ugnayan sa isa't isa.

Dagdag pa ni Kerr, maaaring maging isang positibong karanasan ang takot na karaniwang itinuturing na negatibong emosyon. Kapag nagkukuwentuhan kasi ng horror stories, naihahawa na ang takot sa nakarinig ng istorya, na kung minsan nagiging dahilan ng asaran at katatawanan, kaya mas lalong tumitibay pa ang samahan ng mga magkakaibigan.

Ayon naman sa licensed psychometrician na si Adam Troi Arenas, pagdating sa usapang biophysical, normal lang na makaramdam ang tao ng takot dahil may iba't ibang factors din kung bakit ito nararanasan.

ADVERTISEMENT

Samantala, ayon sa mga pari ng simbahan, totoo ang mga masasamang espiritu na binabanggit sa Biblia na nanggugulo sa tao.

Payo nila, kahit na may mga masamang espiritu na pagala-gala sa kapaligiran at nananakot sa tao, panalangin pa rin sa Diyos ang pinakamakapangyarihang sandata laban sa mga ito.

– Ulat nina Redryx Clark Briones, Tracy Diamante Cajayon, Jancel Christian De Guzman, Kamilah Ruth Dela Cruz, Haztin Harold Jardin, Joris Sapiera and Julianne Loreign Vicente, Patrol ng Pilipino Interns


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.