Ano ang ibig sabihin ng pagiging 'sexually active'? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano ang ibig sabihin ng pagiging 'sexually active'?

ABS-CBN News
Published Jun 17, 2016 11:18 PM PHT

Masasabi lang bang "sexually active" ang isang indibidwal kapag nakaranas na ito ng vaginal intercourse? At ano nga ba ang panganib sa pagiging "sexually active"?

Sa programang "Private Nights," ipinaliwanag ni Dr. Lulu Marquez na ang pagiging "sexually active" ay hindi nalilimitahan sa vaginal intercourse lamang.

Aniya, ang pagiging "sexually active" ng isang indibidwal ay base sa iba't ibang sexual acts na maaaring dahilan ng pagkakaroon ng sakit.

Kailangan umano malaman ng isang indibidwal kung "sexually active" siya upang masabi kung ano ang mga sakit na posibleng makuha nito.

"You need to know each type of sexual act with another person and if he puts you at risk of STD (sexually transmitted disease) or pregnancy," banggit nito.

Sexual acts
Makokonsiderang "sexually active" ang isang indibidwal kapag nagkaroon na ng pagsalin ng bodily fluids ang mag-partner. Sa pamamagitan ng bodily fluid -- laway man ito, semilya, o vaginal discharge -- ay posibleng kumalat ang STD.

Kabilang sa mga sexual activity na maaaring dahilan ng pagkakaroon ng STD ang:
1. Hand job
Bagama't walang vaginal intercourse, maaaring magkaroon pa rin ng sakit kapag nagkaroon ng contact sa vaginal discharge lalo na kung naipasok ang hindi protektadong kamay sa ari ng babae o ang fingering. Maging ang paghawak sa ari ng lalaki, basta't may nadamay na bodily fluid, ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng sakit.

2. Oral sex
Kapag may oral sex, nailalapat ang ari ng babae o lalaki sa kanilang bibig, dahilan para pumasok sa katawan ang sakit mula sa ari ng mag-partner. Ilan sa mga nabanggit na sakit na maaaring makuha rito ay:

- chlamydia
- cytomegalovirus
- gonorrhea
- hepatitis
- herpes simpex
- human immunodeficiency virus (HIV)
- syphilis
- chlamydia
- cytomegalovirus
- gonorrhea
- hepatitis
- herpes simpex
- human immunodeficiency virus (HIV)
- syphilis
ADVERTISEMENT
3. Dry humping
Makokonsiderang "sexually active" ang mag-partner na sumubok sa dry humping, o ang paggalaw na tila nagtatalik ngunit balot sa damit.

"Even when you wear underwear, there is still a small chance that body fluid transfers through the underwear," sabi ni Marquez.

Hindi rin mawawala ang posibilidad na makakuha ng scabies, herpes, warts at iba pa sa pamamagitan nito.

4. Vaginal/anal sex
Mataas ang posibilidad na magkaroon ng pasahan ng sakit dito dahil may direct contact na ang ari ng mag-partner. Ilan sa maaaring kalabasan nito ay:
- pagbubuntis
- bacterial vaginosis
- chlamydia
- gonorrhea
- hepatitis
- herpes
- HIV
- Human Papilloma Virus (HPV) o genital warts
- kuto sa buhok ng ari o pubic lice
- scabies
- syphilis
- trichomoniasis