ALAMIN: Peripheral arterial disease | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Peripheral arterial disease

ALAMIN: Peripheral arterial disease

ABS-CBN News

Clipboard

Madalas bang nangangalay ang inyong binti lalo na kapag naglalakad, umaakyat-baba ng hagdan, o kapag nag-ehersisyo?

Isa ito sa pinaka-karaniwang sintomas ng peripheral artery disease (PAD).

Sa programang "Magandang Gabi Dok," ipinaliwanag ng cardiologist at vascular medicine expert na si Dr. Jonathan James Bernardo na isa ito sa mga sakit na nararasan ng isang pasyente kung may bara sa daluyan ng dugo niya, madalas sa binti.

Ani Bernardo, maaaring dahan-dahan o chronic ang pagkakaroon ng PAD o kung tawagin ay acute limb ischemia.

ADVERTISEMENT

Samantala, meron namang tila nagkaroon ng atake sa paa kung saan biglaan na mararanasan ang PAD. Ayon sa doktor, mas mahirap nang agapan kapag biglaan ang pagbabara ng daluyan ng dugo sa katawan ng pasyente.

"'Pag bigla siyang nagbara, there's no chance for collateral arteries to form, biglaan na lang siyang nangingitim, nanlalamig and in a matter of a few hours or a few days, pwede siyang mag-deteriorate nang mabilis," banggit nito.

Ilan sa sintomas ng malalang PAD ay:

- pananakit ng binti na hindi nawawala hangga't hindi napapahinga
- pagkakaroon ng mga sugat na hindi basta-bastang gumagaling
- pangingitim ng sugat na umaabot pa sa pag-aagnas nito o gangrene
- pagkakaroon ng arterial ulcer

Ilan sa unang mararanasan ng pasyenteng may PAD ay ang claudication o pagsakit ng laman ng binti habang kumikilos.

ADVERTISEMENT

Kung ang pagbara ay nasa bandang itaas ng binti ay maaaring sumakit ang bahagi ng puwetan. Kung bandang ibaba naman ay maaaring tamaan nito ang calf muscles.

Kapag lumala na ito, maaaring kahit habang nagpapahinga ay sumasakit na ang binti o bahagi ng katawan na apektado ng PAD.

PAD at sakit sa puso, diabetes

Marami sa mga may sakit sa puso ang may PAD dahil naaapektuhan nito ang daluyan ng dugo.

Bukod sa hindi naghihilom agad ang sugat, sakaling tamaan ito ng impeksyon ay lumala pa ito dahil kakalat sa katawan.

Isa rin ito sa pinakalaganap na kalagayan ng mga pasyenteng may diabetes, na umaabot na sa 450 milyon ng populasyon ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT

"'Pag meron ka kasing diabetes lalo 'yung mga hindi controlled na diabetes, prone silang magkaroon ng atherosclerosis talaga kasi nagakakroon na ng damage ang kanilang arteries, kanilang mga ugat kaya hindi lang sila prone magkaroon ng PAD kundi magkaroon ng stroke at sakit sa puso o heart attack."

Payo ni Bernardo, kapag may bara na ay isangguni na ito sa doktor.

Para sa mga biglaan ang pagkakaroon ng PAD, kailangang matanggal agad ang bara para hindi na putulan ng binti.

"Kasi 'pag natagalang nawalan ng oxygen ang mga muscle at tissues sa paa, hindi siya magsu-survive, magga-gangrene siya ng mabilis."

Kung dahan-dahan naman ang pagkakaroon ng PAD, maaaring idaan ito sa pag-eehersisyo para tumubo ang collateral arteries na tutulong sa pagdaloy ng dugo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.