ALAMIN: HIV at ang palatandaan nito sa balat | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: HIV at ang palatandaan nito sa balat

ALAMIN: HIV at ang palatandaan nito sa balat

Neima Chowdhury

Clipboard

ABS-CBN News file photo

Ang unang palatandaan ng pagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) ay maaaring makita sa balat.

Sa panayam ng DZMM kay Dr. Gilbert Yang, medical and cosmetic dermatologist at venereologist, ipinaliwanag niya na ang HIV ay nakukuha sa sexual contact kaya't ito rin ay unang nakikita sa balat.

"Ang STD [sexually transmitted disease] kasi nakukuha through contact, sexual contact. Sexual contact is usually through skin to another person's skin or mucosal area so the first manifestations of STD and HIV and AIDS are also in the skin," paliwanag ni Yang.

Isa sa pinakamadalas na palatandaan ng HIV sa balat ay ang Kaposi's sarcoma na uri ng skin cancer na may tila butlig na kulay pula o lila.

ADVERTISEMENT

Ikalawang sintomas ng HIV na maaaring makita sa balat ay ang molluscum contagiosum o pantal na kulay puti na may laman ngunit hindi makati.

Paliwanag ni Yang, ang molluscum contagiosum ay maaari ring makita sa mga bata dahil ito ay madalas nilang makuha ngunit kapag nagkaroon nito ang nakatatanda, ito ay maaaring senyales na ng HIV.

Maaari rin aniyang maging senyales ng HIV ang dandruff o seborrheic dermatitis na malala sa mukha o katawan at ang puti sa gilid ng dila.

Dagdag pa ni Yang, ang mga may HIV at AIDS ay mas malaki rin ang posibilidad na magkaroon ng cancer tulad ng cervical cancer, skin cancer, at iba pa.

Payo ni Yang, "early detection is actually key to diagnosis and treatment."

ADVERTISEMENT

Mayroon din silang tinatawag na "4C" sa pagtugon sa mga pasyente na may HIV.

Una ay ang contact tracing kung saan hinahanap ang naging sexual partner at inaalam kung sila rin ay may HIV upang magamot ito.

Ikalawa ay tinuturuan nila ang mga pasyente na gumamit ng condom. Kung ayaw, inaaabisuhan nila ito na huwag nang makipagtalik.

Ikatlo, ay counseling kung saan ginagabayan nila ang pasyente kung ano ang mga nararapat gawin.

Ang huli ay ang compliance kung saan tinitingnan nila kung nasusunod ba at naiinom ang mga kinakailangang gamot.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.