Mas maraming kababaihan, biktima ng oral cavity cancer | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mas maraming kababaihan, biktima ng oral cavity cancer
Pia Regalado,
ABS-CBN News
Published Apr 28, 2016 01:38 AM PHT

MANILA – Parami nang parami ang kababaihang nagkakaroon ng oral cavity cancer.

Ito ang inihayag nina Dr. Alfredo Pontejos, department chair ng Ears, Nose, and Throat (ENT) Department at Dr. Jeanette Matsuo, division chief ng Head and Neck Surgery Department ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH).

Sa programang "Magandang Gabi Dok", ipinaliwanag nila na ito ay cancer na maaaring makita sa labi, bibig, dila, gilagid, o ngala-ngala na bahagi ng tinatawag na oral cavity, pero mas madalas itong nakikita sa dila.

Anila, bagama't mas madalas ito sa kalalakihan ay dumarami na ang kaso nito sa kababaihan.
Anila, bagama't mas madalas ito sa kalalakihan ay dumarami na ang kaso nito sa kababaihan.
ADVERTISEMENT
Paliwanag ni Pontejos, 80 porsyento ng mga nagkakasakit nito ay ang mga naninigarilyo at umiinom ng alak.

"Aside from smoking and alcohol, 'yung tinatawag na chronic irritation, 'yung laging may naiirita sa loob ng bibig tulad ng mga masisikip na pustiso o kahit maluwag basta hindi maganda ang fit o laging nakakagat ang dila o pisngi sa loob, pwedeng pagmulan ng cancer," dagdag pa ni Matsuo.

Maaari ring maging sanhi nito ang human papillomavirus (HPV), na isa sa pinakalaganap na sexually transmitted disease (STD) mundo.

Ayon kay Pontejos, posibleng makuha ito sa pakikipag-oral sex sa partner na may HPV din. Maaari rin itong makuha sa ina kapag ipinanganak ang isang sanggol.

"Pwedeng during sa birth canal especially sa bata 'pag ipinapanganak sila, baka doon sa birth canal ng mother puwedeng may HPV tapos medyo na-swallow nila."

Sintomas
Ilan anila sa sintomas ng oral cavity cancer ay ang hindi nawawalang singaw.

"Wala kang symptom madalas eh pero kung minsan magkakaroon ka ng parang singaw na hindi nawawala in 2 to 3 weeks."

Hindi naman dapat mag-alala kung pabalik-balik lang ang singaw.

Maaaring ang singaw ay nasa anumang bahagi ng oral cavity. Madalas, may "painless mass" na mararamdaman dito na napapabayaan lang. Maaaring mala-cauliflower naman ito o singaw na may uka.

Pero babala nila, delikado na ang isang singaw kung nagdudugo na ito.
Pero babala nila, delikado na ang isang singaw kung nagdudugo na ito.
ADVERTISEMENT
Lunas
Banggit ng dalawang doktor, habang tumataas ang stage ng kanser na ito ay bumababa ang tsansa na magamot pa ito.

"'Pag stage one kasi, very high pa ang chance ng cure with treatment pero 'pag for oral cavity kasi kahit stage two, three it can be very aggressive."

Ani Pontejos, "'pag stage three to four na, dahil surgery ang first choice of treatment, malaking portion ng dila ang tinatanggal."

Maaari namang magamot ito nang hindi tinatanggal ang bahagi o buong dila sa pamamagitan ng radiotherapy at/o chemotherapy ngunit depende ito sa kalubhaan ng kanser.

Kapag nakaabot na sa stage three o four, posibleng irekomenda na ang pagtanggal ng dila na maaari namang dumaan sa reconstruction.

"We have to put in something, kailangan kumuha kami ng balat, muscle form elsewhere in the body para takpan lang ang butas. But it will not behave like a normal tongue, pang-cover lang siya."

Paalala nila, desisyon ng pasyente kung ipapatanggal ang dila o hindi ngunit bumababa ang survival rate nila kapag pinatagal ito nang malala na ang kanser.

Payo ng doktor, agad magpasuri sa espesyalista kapag nakaramdam ng bukol o hindi nawawalang singaw sa bibig para hindi na lumala sakaling humantong ito sa kanser.