Mga komplikasyon dahil sa abortion | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga komplikasyon dahil sa abortion

Mga komplikasyon dahil sa abortion

Ker Oliva,

ABS-CBN News

Clipboard

Maaaring sumagi sa isip ng ilang indibiwal na nabuntis nang hindi inaasahan ang magpalaglag. Ang ilan, maaaring itinuloy ang planong ito.

Sa programa ng DZMM na "Private Nights," tinalakay ni Dra. Lulu Marquez ang abortion at ang mga komplikasyong maaaring makuha dahil dito.

Ani Dra. Marquez, mayroon tatlong uri ng abortion.

Isa rito ang spontaneous abortion kung saan kusang nalalaglag ang bata kasama na ang inunan nito.

ADVERTISEMENT

Ang isang nagdadalang-tao naman ay maaaring makaranas ng pagdurugo na hudyat ng posibleng pagkalaglag. Maaaring bigyan ng gamot ang ina upang kumapit sa uterine wall ang bata.

Ang induced abortion naman ang pagpapalaglag na maaaring surgical o chemical.

Depende sa laki ng fetus ang paraan ng abortion.

Kung ang pagpapalaglag ay gagawin pitong linggo matapos ang menstruation, isasailalim ang babae sa manual vacuum aspiration.

Suction curettage naman ang gagawin kung nasa 14 linggo na ang pagdadalang tao.

ADVERTISEMENT

Dilation and curetage (D&C) naman ang para sa nasa 12 linggo habang dilation and evacuation (D&E) kapag nasa 13-24 linggo.

Ang ilan naman ay nagtuturok ng saline upang kitilin ang buhay ng fetus.

Tulad naman ng cesarean section ang paraan ng pagpapalaglag kapag nagpa-hysterectomy, ngunit, "in a hysterectomy, no medical attention is given to the baby to help it survive."

Mayroon ding mga gamot na maaaring inumin upang pigilin ang progesterone, ang hormone na nagpapanatili sa pagkapit ng sanggol sa uterine wall, dahilan para malaglag ang bata.

Paglilinaw naman ng doktora, isang krimen ang anumang uri ng induced abortion sa bansa at parehong may pananagutan sa batas ang ina na nagpa-abort at ang abortionist.

ADVERTISEMENT

Ang tanging eksepsyon ay kung lumabas sa pagsusuri ng mga doktor na isang banta sa buhay ng ina ang pagdadalang tao nito.

Samantala, sinabi ng doktora na may mga komplikasyong maaaring idulot ng pagpapalaglag. Diin nito, legal o illegal man sa bansa ang abortion, ito ay may risks at side effects.

Una na rito ang pelvic infection. Aniya, ang mga bacteria mula sa cervix ay maaaring makapasok sa uterus at magdulot ng impeksyon sa pelvic region. Maaari itong malunasan ng anti-biotics, subalit may ilang kaso na kinakailangan pa ng repeat suction abortion.

Maaari ding may maiwang blood clots sa matres o kaya ay mapunit ito dahil sa curettage.

Posible ring magkaroon ng scarring ang matres. Dahil nagiging manipis at mahina ito, maaaring mauwi sa miscarriage sa mga susunod na pagbubuntis.

ADVERTISEMENT

Maaari ding makaranas ng placental problems o magkaroon ng low birth weight babies ang mga inang nagpalaglag.

Babala naman ng doktora, kung pagkatapos ng pagpapalaglag ay makaranas ng labis na pagdurugo, matinding kirot na hindi kayang pahupain ng gamot, mataas na lagnat at panginginig, pagpa-palpitate, agad nang sumugod sa ospital.

Panawagan naman ni Dra. Marquez sa mga doktor at nars na "huwag ka nang dumaldal, alagaan mo 'yang pasyente."

"If you need to report it, then report it. Huwag 'yung nagdudugo na nga, inaaway pa."

Matapos ang pagpapalaglag, karaniwan aniyang nakararanas ng post-abortive silence o ang pagkahiya, pagka-guilty, at takot na mahusgahan.

ADVERTISEMENT

Dahil tiyak na maapektuhan ang kaisipan matapos ang abortion, payo ng doktora, "you need counseling."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.