Feng shui expert, nagbigay-payo sa pagsalubong sa 2022 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Feng shui expert, nagbigay-payo sa pagsalubong sa 2022

Feng shui expert, nagbigay-payo sa pagsalubong sa 2022

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa Facebook ni Master Hanz
Mula sa Facebook ni Master Hanz

Likas sa maraming Pilipino ang maniwala sa mga pamahiin at feng shui sa pag-asang magiging masuwerte at maayos ang susunod na taon.

Ngayong papasok na ang 2022, naglabas ang feng shui expert na si Hanz Cua sa kanyang Facebook account ng listahan ng ilan sa mga maaaring gawin, isuot, at tandaan sa New Year.

Ayon sa kanya, mainam na magsuot ng pula na damit sa Disyembre 31 at Enero 1 upang maka-attract ng suwerte sa pera, habang yellow gold naman ang color theme sa bahay at opisina.

Kagaya ng nakaugalian, pasok pa rin ang sa suwerte ang pagsusuot ng polka dots at bagong underwear.

ADVERTISEMENT

Sa loob naman ng bahay, mahalaga aniya na mag-general cleaning bago pumasok ang 2022: “Itapon na ang sira, luma, kalat para pumasok ang good fortune energy.”

Dapat din umanong bukas ang lahat ng ilaw sa bahay dahil ang fire element ay bright light at makaka-attact ito ng kasaganaan.

Payo ni Cua, magpalit din ng kurtina sa bahay. Kung maaari, kulay pula, dilaw, orange, o pink ang ikabit sa pagpasok ng 2022.

Sa mga single, gumamit ng punda ng unan at bedsheet na pink habang pula naman sa mga kasal na.

Dahil Year of the Water Tiger ang 2022, masuwerte raw kung magdi-display ng tiger sa gitna ng bahay o sala bukod pa sa pagsasabit ng tiger na lucky charm sa pinto.

ADVERTISEMENT

Punuin din aniya ang mga lagayan ng asin, bigas, asukal, LPG, at water dispenser. Ayon pa kay Cua, dapat punuin ng pera ang wallet at maglagay ng barya sa mga bulsa. Magsaboy din ng barya papasok sa bahay.

Maglagay din umano ng 8 barya sa NorthWest ng bahay para sa money luck, at bulaklak naman sa Southeast para sa love luck.

Kung nais matupad ang mga plano sa 2022, isulat ang mga ito at idikit sa pinto, sabi ni Cua.

Sa mga dapat ihain sa media noche, bilin nito na maghanda ng pancit, noodles, o spaghetti kasama ng baboy, isda, at manok. Ayos din aniya kung may matamis na pagkaing nakahanda.

Huwag din aniya kalimutan ang 12 klase ng prutas na sumisimbolo sa sa lahat ng buwan ng isang taon. Maaari ring magpagulong ng prutas na kiat-kiat papasok ng bahay.

ADVERTISEMENT

Kasama rin sa mahabang listahan ng feng shui expert ang pagdarasal sa mga biyayang natanggap sa 2021 kasama ang buong pamilya.

Sa kanyang mga payo, paalala parati ni Cua na ang feng shui ay nagsisilbing gabay lamang sa araw-araw na pamumuhay. Aniya, nasa kamay pa rin ng isang tao ang kanyang tagumpay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.