Luneta Park, bukas sa Pasko pero may mga limitasyon, pagbabago dahil sa pandemya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Luneta Park, bukas sa Pasko pero may mga limitasyon, pagbabago dahil sa pandemya

Luneta Park, bukas sa Pasko pero may mga limitasyon, pagbabago dahil sa pandemya

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Tradisyon na ng marami ang mamasyal tuwing Pasko sa makasaysayang Luneta Park sa Maynila para magsalu-salo sa paligid ng magarbong Christmas display at konsyerto.

Ngayong taon, puwede pa ring ipagpatuloy ang naturang tradisyon. Pero marami ang aasahang pagbabago sa ilalim ng mga panuntunan para makaiwas sa COVID-19.

Ayon kay Reina Jara, chief administrative officer ng National Parks Development Committee (NPDC), limitado sa 2,000 ang puwedeng makapasok sa parke ngayong taon.

“Kahit may pandemya, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko,” ani Jara.

ADVERTISEMENT

Umabot aniya sa 30,000 ang namasyal sa Luneta Park noong Dec. 24, 2019; at, 77,000 naman noong Dec. 25, 2019.

Nasa kabuuang 200,000 naman ang crowd estimate sa pagsalubong ng Bagong Taon noong Dec. 31, 2019 at mismong araw ng Bagong Taon noong Jan. 1, 2020.

Para sa taong ito, magbubukas lang ang parke ng alas-5 hanggang alas-9 ng umaga, at alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

“Mananatili na ang parke ay isang lugar kung saan ang mga tao ay magkakaroon ng pagkakataon na makapag-ikot, pagkakataon na ma-enjoy nila ang kalikasan, at pagkakataong makalimot sa kanilang problema,” sabi ni Jara.

May mga itinalagang entrada sa park para masala ang mga tao para matiyak na na-sanitize ang kamay, hindi mataas ang body temperature, at nakapagsulat sa contact tracing form.

ADVERTISEMENT

Sa loob ng Luneta Park, may mga markings kung saan puwedeng maglakad sa partikular na direksyon.

May lugar lang din kung saan puwedeng tumayo ang magpapakuha ng litrato at saan pupuwesto ang photographer.

Bawal magtinda sa loob ng parke para maiwasan ang kumpulan.

Isa pa sa malaking pagbabago ay bawal magpasok ng inumin at pagkain kaya hindi rin puwede ang nakagawiang pagsasalo-salo o picnic.

BALIKAN:

Watch more in iWantv or TFC.tv

“Dahil mayroon pang pandemya, inaasahan na ang mga bibista sa ating parke ay panandalian lamang na iikot upang masigurado na masunod ang physical distancing,” ani Jara.

ADVERTISEMENT

Sulit pa rin naman ang pamamasyal sa Luneta dahil sa magagandang Christmas display, partikular ang higanteng Christmas tree at dancing fountain.

May concert pa rin, pero online na lang na mapapanood sa Facebook page ng NPDC.

Kanselado na rin ang inaabangang taunang fireworks display.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.