Spaghetti vs pansit: Alin ang mas masustansiyang handa sa Pasko? | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Spaghetti vs pansit: Alin ang mas masustansiyang handa sa Pasko?

Spaghetti vs pansit: Alin ang mas masustansiyang handa sa Pasko?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Hindi nawawala sa hapag tuwing Noche Buena ang spaghetti at pancit.

Pero kung kinakailangang mamili sa dalawa, alin ba ang mas masustansiyang ihanda?

Ayon kay Fia Batua, isang medical culinary nutritionist, may nakabubuting sangkap ang spaghetti sa katawan gaya ng pasta na nagbibigay ng carbohydrates at ground pork o beef na nagbibigay ng protina sa katawan.

Nagiging masama lang aniya ang spaghetti kapag kumain nang sobrang sahog gaya ng hotdog at ham na pawang mga processed foods.

ADVERTISEMENT

Nagbabala si Batua na maghinay-hinay sa pagkain nito.

"Sa ating traditional spaghetti kasi madalas nilalagayn natin ng hotdog, ham, itong mga processed meat mataas ito sa unsaturated fat at cholesterol masyadong mataas ang total calories," ani Batua sa programang "Salamat Dok."

Kung ikukumpara naman daw sa pansit, mas akma raw kainin ang pansit kung nagbabawas sa carbohydrates at kung gustong kumain ng mga gulay.

Pero paalala ni Batua na huwag na itong palamanan pa sa tinapay para hindi dumoble ang carbohydrate content nito.

Nagiging taba kasi aniya sa katawan ang sobrang carbohydrates.

"Ang nangyayari ang carbohydrates meron pang isa pang carbohydrates at ipinagsasama nila sa isang meal gaya ng tinapay so hindi nila napapansin nang sobra sobra," paliwanag ni Batua.

Kung maaari, ayon kay Batua, dapat nasa 100-150 gramong spaghetti o kaya pancit lang ang ilagay sa plato. Katumbas ito ng isang tasa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.