Tag-lamig may kinalaman sa pagkakaroon ng rayuma? | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tag-lamig may kinalaman sa pagkakaroon ng rayuma?

Tag-lamig may kinalaman sa pagkakaroon ng rayuma?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Kadalasan umanong inuugnay ng ilan ang pagkakaroon ng arthritis o rayuma sa malamig na panahon.

Pero paalala ng rheumatologist na si Shiela Reyes na hindi lahat ng uri ng arthritis ay nakukuha sa tag-lamig.

"Hindi consistent yung ganito. 'Di porket malamig eh magkakaroon ka na ng rayuma. Ito ay more of yung pakiramdam, nararamdaman din ng pasyenteng may rayuma," ani Reyes sa programang "Good Vibes."

Halimbawa rito ang pagkakaroon ng osteoarthritis, na karaniwang nakukuha ng mga may edad na.

ADVERTISEMENT

Kasama sa sanhi ng osteoarthritis sa sobrang paggamit ng kasukasuan at pagbibigat ng timbang.

Namamana rin ang arthritis, ayon kay Reyes.

Mahigit 100 klase ng arthritis ang posibleng makuha kaya payo ng doktor na agad magpatingin kung may nararamdamang masakit sa bandang kasu-kasuan.

Dito rin daw aniya malalaman kung ano ang tamang gamot.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.