Pag-inom ng mga bitamina, maraming tubig ipinayo para iwas-sakit sa taglamig | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pag-inom ng mga bitamina, maraming tubig ipinayo para iwas-sakit sa taglamig

ABS-CBN News
Published Dec 16, 2019 02:56 PM PHT

Mainam ang regular na pag-inom ng mga bitamina at maraming tubig ngayong taglamig para maiwasan ang mga sakit na nauuso sa panahong ito, ipinayo ng isang doktor.

Ayon sa occupational health specialist na si Sonny Villanueva, humihina ang resistensiya ng tao tuwing taglamig kaya mas madaling malantad ang mga ito sa mga sakit gaya ng ubo, sipon at lagnat.

Kaya kahit wala pang karamdaman, dapat umanong tadtarin na ang katawan ng mga bitamina at tubig.

"Dapat marami kang bitamin sa katawan. So maganda, inom ka maraming tubig tapos 'yong vitamins, supplements i-take natin siya," ani Villanueva sa panayam ng "Good Vibes" ng DZMM.

"Kahit wala ka pang sakit i-take mo na siya," aniya.

Ayon kay Villanueva, sapat na ang 500 milligrams ng Vitamin C kada araw pero puwede itong gawing 1,000 milligrams kapag may karamdaman na.

Pero nagbabala rin ang doktor sa labis na pag-inom ng Vitamin C, na maaari umanong magdulot ng kidney stone.

"Huwag mo lang sosobra kasi kapag sumobra sa Vitamin C, puwede rin siyang mag-cause ng kidney stone sa katawan natin," aniya.

Mainam din tuwing taglamig ang nutrient na zinc dahil pinalalakas nito ang resistensiya ng tao.