ALAMIN: Sintomas ng dyspepsia o indigestion | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Sintomas ng dyspepsia o indigestion

ABS-CBN News
Published Dec 14, 2019 06:34 PM PHT
|
Updated Dec 14, 2019 06:53 PM PHT

MAYNILA - Kalimitang nararanasan ng tao ang dyspepsia o indigestion kapag napasobra ang kinain nito o kung may nakain itong hindi angkop sa kaniyang sikmura.

Kapag may dyspepsia, nakararanas ng pamamaga ng sikmura at kawalan ng ganang kumain ang isang tao.

Maaari ring makaramdam ng pangangasim ng sikmura ang pasyente at pagdighay. Makararamdam din ng pagbigat ng katawan ang pasyente.

Kaya sa gitna ng mga handaan ngayong Kapaskuhan, nagpaalala ang gastroenterologist na si Ruther Maralit sa mga dapat tandaan ukol sa indigestion.

ADVERTISEMENT
Aniya, kalimitang nakukuha ang sakit na dyspepsia sa pagkain ng mga sumusunod:

- Maaasim o prutas na maasim
- Maaanghang na pagkain
- Makamatis na pagkain
- Carbonated or caffeinated food and drinks
- Dairy products

Kapag nakaranas ng dyspepsia, mainam na pumunta sa doktor para maresetahan ng angkop na gamot.

Kung wala pang oras na pumunta sa doktor, maaaring bumili ng antacids, pero paalala ni Maralit na pansamantala lang itong aayuda sa sakit ng tiyan.

"Antacid is more of a neutralizer," paliwanag niya.