Paano maiiwasan ang altapresyon? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano maiiwasan ang altapresyon?

Paano maiiwasan ang altapresyon?

DJ Arcon,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Itinuturing na isang "silent killer" ang pagkakaroon ng mataas na blood pressure o altapresyon.

Ipinaliwanag ni Dra. Lynn Almazan-Gomez, isang nephrologist at vice president ng Philippine Society of Hypertension, sa "Magandang Gabi Dok" ng DZMM na hindi dapat balewalain ang altapresyon.

Ayon kay Dra. Gomez, ang pinakamadalas na naitatalang kaso ng altapresyon ay ang essential hypertension.

"Ang pinaka-common ay essential hypertension, nasa 90%," sabi ni Dra. Gomez. "Being essential means kailangang tumaas ng blood pressure para ma-perfuse 'yung mga organ."

ADVERTISEMENT

Ngunit, kapag napabayaan ang pagtaas ng presyon ng dugo ay maaaring lumabas ang iba't ibang kumplikasyon sa katawan, lalo na ang stroke.

Sa pagtataya ng doktora, nasa halos isang bilyong katao ang nakararanas ng altapresyon.

"Sa Philippines, sabihin na nating nasa 40 million (ang may mataas na blood pessure)," dagdag ng doktora.

Aniya, isa sa apat na Pilipino ang may altapresyon at "80% ang hindi nila alam na mayroon sila nito."

"Awareness is the key," diin niya.

ADVERTISEMENT

Para sa doktora, kung alam ng isang taong may altapresyon na mayroon siya nito, madaling malalaman kung kailangan niyang magpagamot o magkaroon ng pagbabago sa lifestyle.

Maaaring malaman na may altapresyon ka kung parehong magulang o mga kamag-anak mo ay mayroon din nito.

Isa rin sa paraan ay ang pagkakaroon ng sariling kagamitan na pang-monitor sa blood pressure.

"Ang pinakamahalaga dito ay malaman mo ang home blood pressure," sabi ni Dra. Gomez. "Ngayon, mas madali na kasi ang pagkuha ng blood pressure dahil may tinatawag na tayong digital BP monitoring device."

Narito ang gabay sa tamang pagkuha ng blood pressure gamit ang digital BP monitoring device:

ADVERTISEMENT

Paalala rin ni Dra. Gomez na mas mag-ingat ang mga taong may altapresyon ngayong sasapit ang Pasko.

"Sa Christmas, kaakibat talaga niyan ang maraming excitement at preparasyong ginagawa. Problema rin kung wala kang pera at mabibigat na traffic ngayon. Kailangan nating tingnan ang health natin in terms of hypertension," sabi ng doktora.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.