Ilang pampublikong lugar sa Mindanao pinalamutian ng Christmas lights | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang pampublikong lugar sa Mindanao pinalamutian ng Christmas lights

Ilang pampublikong lugar sa Mindanao pinalamutian ng Christmas lights

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

ZAMBOANGA CITY — Dama na ang Pasko sa iba't ibang parte ng Mindanao, kung saan pinailawan at pinalamutian ang ilang pampublikong lugar sa maraming lungsod.

Mexican-Filipino fiesta ang tema ng Christmas decorations sa Zamboanga City Hall, na pinailawan bilang parte ng taunang "Pascua na Zamboanga."

Aabot sa 7,000 tao ang nanood nang pormal na buksan ang mga Christmas lights noong Huwebes ng gabi.

Ang Mexican national na si Eduardo Rubio, natuwa sa kaniyang nakita. Tingin niya ay hindi nagkakalayo ang pagdririwang ng Pasko sa Mexico at Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Tila sumasayaw naman ang mga ilaw sa City Hall ng Cotabato City.
Hitik din sa pailaw ang kanilang Christmas tree.

Tampok din para sa mga residente ang makulay na Christmas tunnel doon.

May mga food stalls din para sa mga nais kumain habang pinanonood ang mga Christmas lights.

-- May ulat ni Jewel Reyes, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.