'Constant communication', tugon sa pangungulila ng mga anak ng OFW | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Constant communication', tugon sa pangungulila ng mga anak ng OFW

'Constant communication', tugon sa pangungulila ng mga anak ng OFW

ABS-CBN News

Clipboard

Hindi maiiwasan ng mga kaanak ng mga overseas Filipino worker (OFW) na makaramdam ng pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay, lalo na tuwing may mahahalagang okasyon.

Isang halimbawa si John Ed Castrillo, isang senior display decorator sa isang mall sa Dubai, United Arab Emirates.

Limang taon nang nakikipagsapalaran sa ibang bansa si Castrillo at ang kaniyang misis.

Mayroon silang walong taong gulang at dalawang taong gulang na mga anak.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bagama't nakakausap ng mag-asawang Castrillo ang kanilang mga anak sa tulong ng teknolohiya, hindi pa rin nila maiwasang makaramdam ng kalungkutan.

"Binabati nila kami ng ‘Merry Christmas’ tapos nauuwi kami sa iyakan ni misis," ani Castrillo sa panayam ng programang "Sakto" ng DZMM.

Hirap umuwi sina Castrillo sa bansa dahil kinakailangan nilang mag-ipon.

Hindi rin siya nabibigyan ng pagkakataong lumiban sa trabaho dahil kadalasa'y dagsa ang mga turista sa mga mall.

"Napaka-imposible po sa aming makauwi ng Pasko dahil dito po sa Dubai ‘yong Pasko medyo peak season po iyan lalo na kung ang trabaho mo nasa retail," ani Castrillo.

Lubha umanong nasaktan si Castrillo nang tanungin ang anak kung anong regalo ang nais nilang matanggap sa Pasko.

"Pinakamasakit pong narinig sa kaniya is 'pag tinanong mo kung ano gusto niyang gift sa Pasko ... ‘gusto kong gift is makauwi kayo,’" kuwento ni Castrillo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Dr. Babes Arcena, isang psychiatrist, malaking mensahe ang nais iparating ng anak ni Castrillo kung mas pinipili nitong pauwiin ang mga magulang sa halip na makatanggap ng materyal na regalo.

"This is means to say they yearn for your attention and presence," ani Arcena.

Dagdag pa ni Arcena, kahit may teknolohiyang nagiging daan para makausap ang mga OFW, iba pa rin umano ang nararamdaman kapag personal na katagpo ang mga minamahal.

Payo ni Arcena, maiging palaging kausapin ng mga OFW ang kanilang mga anak.

"Constant communication. Update every day kung kaya. ‘Yon ang dapat nilang gawin ... the kids are feeling the loss eh," aniya.

Malaking hamon umano para sa mga pinag-iwanan ng mga anak na ipaintindi kung bakit nasa ibang bansa ang mga OFW na magulang.

"If both parents are not around, ang caregivers ay dapat magaling mag-asikaso sa mga bata," ani Arcena.

"With regards to the caregivers, importante na maintindihan ng mga bata kung bakit ang kanilang mga magulang ay nasa ibang bansa," dagdag pa nito.

Dapat din iparamdam ng mga nag-aaruga sa mga anak na taos-puso ang kugustuhan nilang alagaan ang mga bata.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.