Kahalagahan ng 'orgasm' sa babae at lalaki | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kahalagahan ng 'orgasm' sa babae at lalaki

Kahalagahan ng 'orgasm' sa babae at lalaki

ABS-CBN News

Clipboard

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Tinalakay ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM ang papel na ginagampanan ng "orgasm" sa pakikipagtalik.

Para sa lalaki, maaari lang magkaroon ng "ejaculate," na kinakailangan sa pagbuo ng sanggol, kung dumating siya sa rurok ng pagniniig.

"Ejaculation is 'yon po 'yong tinatawag na may lumabas na ejaculate, 'yan po ang seminal fluid. Nandiyan na po kasama, nag-swimming ang sperm cells," paliwanag ni Marquez.

ADVERTISEMENT

Dagdag ng doktor, hindi rin gano'n katagal bago sumapit sa rurok ang isang lalaki.

"From the desire, from the excitement, from the arousal, at mag-e-ejaculate na si mister, 'yan po ay mabilis lamang. Kadalasan po ay may average time po 'yan. That will be 2.8 minutes," ani Marquez. "Mayroon pa pong ibang gumawa ng studies niyan. 'Yong mga nakakatagal po at hindi muna nag-e-ejaculate, mayroon pong pag-aaral it would be about 3-4 minutes. Pero bihira po 'yon."

Mas matagal naman bago magkaroon ng orgasm sa pakikipagtalik ang kababaihan.

"From the desire, to the excitement or arousal, and for her to achieve her orgasm is about 14 minutes," ani Marquez.

Ayon kay Marquez, matitiyak ang kaligayahan ni misis kung sisiguruhin ng mister na sumapit din sa rurok ng pagniniig ang kaniyang asawa.

ADVERTISEMENT

"Women [are] capable of multiple orgasm, but not men," dagdag na paliwanag ni Marquez.

Dahil magkalayo ang panahong maaaring matamo ng mag-asawa ang orgasm, inirerekomenda ni Marquez ang mas mahabang "foreplay" ng mister sa kaniyang misis para puwedeng magsabay ang kanilang orgasm.

Foreplay ang tawag sa mga aktibidad na maaaring magpatindi o magpatingkad ng seksuwal na karanasan, bago ang aktuwal na pagpasok ng ari ng lalaki sa ari ng babae.

Dagdag ni Marquez, kahit maaaring mag-orgasm ng ilang beses ang babae, maaari ring hindi siya umabot sa rurok at pekein niya na lang ito, o iyong "fake orgasm."

"Sa lalaki, may penile erection, tapos nag-ejaculate. Ang babae ay mayroon ding clitoral erection. Believe it or not, mayroon. Because a woman will never reach her orgasm without a maximally erect clitoris," paliwanag ni Marquez.

ADVERTISEMENT

May payo rin ang doktor para sa mga lalaking mabilis labasan o iyong "premature ejaculation."

"When you make love at napansin mong ikaw ay nagpi-premature ejaculation, then you could possibly change your position when you make love... Maybe the woman on top," ani Marquez.

"Another management would be ang 'pause-and-squeeze' technique," dagdag ni Marquez. "Ibig sabihin ng squeeze, you pause, stop making love, and then squeeze the area of the head, and then hinga nang malalim, mawawala ang tension, then that's it. You continue with your lovemaking again."

Aniya, wala rin sa edad ng lalaki kung maaari pa siyang makabuo ng sanggol.

Sabi ni Marquez, maski pa edad 75 na, basta walang problema sa "sperm count," maaari pa ring magkaroon ng anak.

ADVERTISEMENT

"Kung tama po ang bilang ng sperm cells, ay nakakabuntis po. Ibig sabihin, if it is 20,000,000 and above, puwede pong makabuntis, not less than that."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.