Barangay sa Valenzuela, app ang sagot sa mga krimen, emergency | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay sa Valenzuela, app ang sagot sa mga krimen, emergency

Barangay sa Valenzuela, app ang sagot sa mga krimen, emergency

Kristine Sabillo,

ABS-CBN News

Clipboard

Sa Barangay Mapulang Lupa sa lungsod ng Valenzuela, bantay-sarado ang mga kalye dahil sa CCTV cameras.

Kapag kinailangan, madaling makapag-aanunsiyo dahil sa speakers na kasama nito.

Ang mga residente naman, mabilis ding makahihingi ng tulong dahil sa smartphone app na ipinakakalat ng barangay.

"Pag may kailangan ka, pipindot ka lang. Wala ka pang sinasabi, tatakbo na kaagad yung ambulansiya namin...Pag pumindot ka ng police assistance, tatakbo yung PCP (Police Community Precinct) namin," ani Andy Francisco, barangay chairman ng Mapulang Lupa.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Francisco, isa sa mga pilot barangay ang Mapulang Lupa na nakagamit sa Alarm Rescue Monitoring Emergency Device (ARMED) kaya libre nilang nakuha ang sistema.

Meron nga lang annual fee na P100 sa bawat gagamit ng app.

Depensa ni Francisco, mas madali ang komunikasyon sa app hindi tulad ng pagtawag sa kanilang hotline.

Isa sa mga unang natulungan ng app ay ang desk officer sa barangay na si Dominador Peralta.

"Nagsusuka yung asawa ko 3 days na. Akala ko sikmura lang ang sakit. Eh hindi na matiis so ginamit ko yung ARMED," kuwento ni Peralta.

ADVERTISEMENT

Pinindot lang aniya ang app at sa loob ng limang minuto ay dumating na ang ambulansiya.

Agad na nadala sa ospital ang kaniyang asawa na meron palang urinary tract infection o UTI.

Plano ng barangay ikampanya ang paggamit ng app sa mga purok, lalo na sa mga asosasyon, at sagutin ang annual fee ng 1,000 residente.

Dahil sa mga inisyatiba ng barangay ay nanalo na sila ng iba't ibang parangal.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.