ALAMIN: Mga maling paniniwala tungkol sa aneurysm | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga maling paniniwala tungkol sa aneurysm

ALAMIN: Mga maling paniniwala tungkol sa aneurysm

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 10, 2017 02:48 AM PHT

Clipboard

MANILA -- Matapos ang biglaang pagpanaw ng aktres na si Isabel Granda ay naging usap-usapan ang tungkol sa sakit na aneurysm na siya nitong ikinamatay.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, binigyang linaw ni Dr. Kenny Seng mula sa Philippine General Hospital, ang ilang mga maling paniniwala tungkol sa brain aneurysm.

Ayon kay Seng, walang scientific basis ang mga kumalat ngayong text messages na nagiging sanhi ng aneurysm ang biglaang pagbuhos ng tubig sa tuwing maliligo.

"Na-appreciate natin 'yung concern na gusto niyang tumulong. Kaso lang walang scientific basis yon. Hindi makaka-impluwensiya ang paraan ng pagligo sa pag-develop ng aneurysm sa loob ng ulo. ... Kahit anong parte ng katawan mo, ulo mo, walang epekto 'yon," ani Seng.

"Para i-recommend 'yon at sabihin na mapo-protektahan ang isang tao na magkaroon ng aneurysm, mali po 'yon," dagdag ng doktor.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Seng, mali ring maniwala agad na ang palagiang pagsakit ng ulo ay sintomas ng aneurysm.

"Bilang mga doktor tinitingnan namin 'yung pattern na nararanasan ng isang pasyente. Para madaling tandaan, kung ikaw ay hindi pa nagkaroon ng headache sa iyong buong buhay at recently ay nakakaramdam ka ng headache, magandang magpa-check ka, kasi posibleng isa 'yon sa sintomas, pero malamang ay hindi rin," ani Seng.

Paliwanag pa niya habang hindi pa pumuputok ang aneurysm ay hindi talaga ito made-detect. "Made-detect lang siya kapag pumutok na."

Aniya, base sa mga nagkaroon at nakaligtas sa aneurysm ay nakaramdam ang mga ito ng tila may pagputok sa kanilang ulo.

Maliban dito, matinding sakit din ng ulo ang kanilang naramdaman bago sila nawalan ng malay.

ADVERTISEMENT

"Kapag pumutok na 'yung aneurysm biglang 'yung buong ulo niya ay napakasakit, never pa niyang naranasan 'yung ganoon sakit. Kadalasan 'yun ang kuwento sa atin nang naputukan na ng aneurysm at naka-survive," ani Seng.

"Madalas din nilang sinasabi na may nararamdaman silang may nalalagot o napupunit sa may ulo, tapos biglang sasakit ang leeg followed by lost of consciousness," dagdag ng doktor.

Nilinaw din ni Seng na hindi totoo na ang pagiging aktibo ay sanhi nang pagkakaroon ng aneurysm.

"'Yung [pagkakaroon] ng healthy lifestyle niya, hindi 'yon ang nag-cause ng aneurysm niya. Kasi 'yun ang ibang iniisip ng mga tao. Gusto nga natin na people will live a healthy lifestyle it has nothing to do 'yung sa pag-develop niya ng aneurysm 'yung healthy lifestyle," ani Seng.

Ayon pa kay Seng, kadalasan ay nasa edad 40 hanggang 60 anyos ang mga nagkakaroon ng aneurysm base na rin sa data.

Para makasiguro, kailangang sumailalim sa scan ang mga pasyente para malaman kung mayroon nga itong aneursym.

ADVERTISEMENT

"Kailangan ng CT scan o MRI na naka-focus mismo sa mga ugat, para makita kung lumulobo na ang isa sa mga ugat na yon," ani Seng.

Pag-amin ng doktor, hindi pa rin batid ang sanhi ng aneurysm. Malinaw lang aniya sa ngayon ay ang mga bagay na nagpapalala kapag mayroon ka na nito.

"Hindi siya 'yung tipong ubo't sipon na alam mo virus ang dahilan, so maiiwasan mo. Ang alam natin may mga bagay na kapag mayroon kang aneurysm ay puwedeng makapagpalala doon tulad nang paninigarilyo, hypertension, mataas na cholesterol. So maa-address 'yon, kapag umiwas tayo sa paninigarilyo, live a healthy lifestyle, exercise at saka balance diet," ani Seng.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.