RECIPE: Ginataang labong | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Ginataang labong

RECIPE: Ginataang labong

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gusto mo bang magluto ng kakaibang bersiyon ng ginataan na masustansiya na at magaan pa sa bulsa?

Maaari mong subukang maghain ng ginataang labong, o bamboo shoots.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes ang guest kusinera na si Arleen De Leon para ibahagi kung paano magluto ng ginataang labong.

Narito ang mga sangkap:

• 1 luya
• 2 sibuyas
• Bawang
• 2 tasa ng labong
• 3 tasa ng gata
• 1/4 kilo hipon
• Asin
• Paminta (durog)
• 2 piraso ng siling pansigang
• 1 kutsara ng patis

ADVERTISEMENT

Paghahanda ng labong

Hugasan ang labong nang 3 beses.

Pakuluan ito hanggang sa lumambot

I-drain at pigain ang labong para matanggal ang pait nito.

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang luya, bawang at sibuyas.

Pagkatapos ay saka ilagay ang gata.

ADVERTISEMENT

Ilagay na sunod ang labong.

Lagyan ng isang kutsarang patis, asin at pamintang durog.

Lagyan ng 2 siling pansigang.

Haluin saka ilagay ang hipon sa ibabaw.

Takpan at pakuluan nang limang minuto.

ADVERTISEMENT

Maaari nang ihain ang ginataang labong.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.