ALAMIN: Kahalagahan ng 'paglalaro' sa paglaki ng bata | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Kahalagahan ng 'paglalaro' sa paglaki ng bata

ALAMIN: Kahalagahan ng 'paglalaro' sa paglaki ng bata

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 06, 2018 05:45 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Uso ngayon sa mga kabataan ang paggamit ng gadgets sa halip na lumabas at makipaglaro kasama ang iba pang paslit.

Pero ayon sa isang development and behavioral pediatrician, dapat hinihikayat ng magulang ang pisikal na aktibidad sa mga anak, sa loob man o labas ng bahay, dahil nakabubuti umano ito sa kanilang maayos na paglaki.

Paliwanag ng doktor ay naglalabas ng hormones ang katawan ng mga bata tuwing naglalaro na nagdudulot ng "kasiyahan."

"Ang paglalaro po ay nakakatulong sa kanilang mental and physical development, 'pag ikaw po naglalaro nagri-release tayo ng certain hormones parang natutuwa ka," ani pediatrician Francis Dimalanta sa "Good Vibes" ng DZMM nitong Martes.

ADVERTISEMENT

Bata pa lang aniya ay dapat bigyan ang mga ito ng laruan para matuto silang gamitin ang kanilang mga kamay at paa.

Hinihikayat din dapat ang "unstructured learning" kung saan hinahayaan ang mga bata na suriin ang kanilang mga paligid at pinaiiral ang iba't ibang uri ng paglalaro na may kaugnay sa sining, palakasan, at pagbabasa.

Pero klinaro ni Dimalanta na hindi kailangang mamahalin ang laruang ibibili para sa bata. Maaari ring gumawa aniya ng "improvised" na laruan kung nais makatipid.

Mahalaga rin umano ang pagkakaroon ng oras kada pamilya kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng gadget.

Importante pa rin aniya ang pagbabalanse ng paglalaro ng bata sa kaniyang pag-aaral.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.