'Madalas na regla sa nagkakaedad, di sintomas ng menopause' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Madalas na regla sa nagkakaedad, di sintomas ng menopause'

'Madalas na regla sa nagkakaedad, di sintomas ng menopause'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nilinaw ng isang gynecologist ang aniya ay maling paniniwala ng ilang kababaihan na ang malakas at madalas na pagkakaroon ng regla habang nagkakaedad ay sintomas ng "menopause" o iyong yugto ng permanenteng paghinto ng regla ng isang babae.

Ayon kay Dr. Judy Ann Uy-De Luna, habang papalapit na ang pag-menopause ng isang babae, dapat ay "humihina at kumokonti" ang pagkakaroon nito ng regla.

"'Yong iba ang perception nila, habang nagkakaedad sila tapos napapansin nila na 'yong regla nila, malakas, madalas dumating, mahaba... Iisipin nila, 'Ay, malapit na akong mag-menopause.' Mali po iyon," sabi ni De Luna sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

"Humihina at kumokonti dapat," dagdag ni De Luna.

ADVERTISEMENT

Ayon kay De Luna, ang madalas na pagkakaroon ng regla habang nagkakaedad ay maaaring sintomas ng abnormal uterine bleeding o pagdudugo ng matris.

"Kailangan ipakonsulta po agad ito sa doktor," ipinayo ni De Luna.

Paliwanag ni De Luna, maituturing lamang na menopause na ang isang babae kapag lumipas ang isang taon na hindi siya nagkakaroon ng regla.

"If exactly 12 months na 'di ka dinatnan, then that's the time na we will label talaga na menopause na tayo," aniya.

Karaniwan sa mga Pinay na makaranas ng menopause sa edad 50 at 51, ayon kay De Luna.

ADVERTISEMENT

Sa edad 45 naman daw nag-uumpisa ang perimenopause o iyong panahon ng pagbabagong-kalagayan bago mag-menopause.

Ilan umano sa mga palatandaan ng perimenopause ang "hot flash" o iyong biglang pag-init ng katawan, at pagpapawis o pagkaramdam ng ginaw habang natutulog sa gabi.

Mainam din daw magpakonsulta sa doktor ang isang babae kapag siya ay dinugo kahit nag-menopause na o lumipas na ang isang taong hindi nagkakaroon ng regla.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.