Ano ang 'mala-pitong' tunog na naririnig sa tainga? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano ang 'mala-pitong' tunog na naririnig sa tainga?

ABS-CBN News
Published Oct 11, 2018 05:10 PM PHT
|
Updated Oct 12, 2018 09:02 AM PHT

Isa ka ba sa mga namomroblema dahil bigla na lang nakakarinig ng matining at mala-pitong tunog sa iyong tainga na hindi naman nanggagaling sa iyong paligid?

Ayon sa isang otolaryngologists o doktor sa tainga, ilong at lalamunan, tinatawag ang karanasang iyon na "tinnitus" at maaari raw isa itong babala mula sa utak na may problema sa pandinig ang isang indibidwal.

"May naririnig kayo na perception pero wala naman talagang nagje-generate ng sound. So, saan nanggagaling iyong sound? Hindi sa tainga ninyo eh, it doesn't come from there, it comes from your brain," sabi ni Dr. Paco Abes sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

"It's a warning sign from your brain that there might be something wrong with your hearing [Babala ito mula sa iyong utak na maaaring may mali sa iyong pagdinig]," paliwanag ni Abes.

ADVERTISEMENT
Pero may mga pagkakataon din naman daw na ang tinnitus ay bunga ng mga ugat na malapit sa tainga.

"Minsan kasi ang tinnitus nanggaling kasi sa pagtitibok ng puso, kapag tayo ay may ugat na malalaki na malapit sa tainga," ani Abes.

"When I see patients with tinnitus na walang physical na pinanggagalingan, kunyari ugat na tumitibok or anything na malapit sa tainga, then most of the time, it is some form of hearing loss."

Mayroon naman daw mga paraan para magamot ang tinnitus.

Isa na rito ay ang pagtugon sa "hearing loss" o problema sa pandinig, ayon kay Abes.
Isa na rito ay ang pagtugon sa "hearing loss" o problema sa pandinig, ayon kay Abes.
ADVERTISEMENT
Ayon pa kay Abes, puwede ring sumailalim sa therapy para matutunang hindi na makarinig ng matining na tunog.

Ipinaliwanag ni Abes na mayroon ding mga kondisyon sa pagdinig na hindi lang pisikal ang gamutan kundi sikolohikal din o may kinalaman sa pag-iisip.

"When it comes to masking the sound, kailangan ma-divert iyong attention mo... na iniisip mo na wala na iyong pito na 'yon... it's called cognitive behavioral therapy," paliwanag ni Abes.

"When it comes to hearing and dizziness, a lot of it when it comes to the treatment is not just physically na titingnan natin, tatanggalin natin 'yong barriers, gagamutin ka ng gamot. It also entails psychological treatment."