Carlos Celdran tapat sa adbokasiya hanggang sa huling sandali | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Carlos Celdran tapat sa adbokasiya hanggang sa huling sandali

Carlos Celdran tapat sa adbokasiya hanggang sa huling sandali

Rose Eclarinal,

ABS-CBN News

Clipboard

Sa pinakahuling panayam ng ABS-CBN News kay Carlos Celdran, abala pa ito sa binuo niyang tour sa Madrid, Spain. Screengrab

Hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay, hindi nagpatinag ang cultural activist at performance artist na si Carlos Celdran sa paglaban para sa kaniyang mga adbokasiya.

Martes nang kumpirmahin ng pamilya na pumanaw na si Celdran habang nasa Madrid, Spain.

Pero sa pinakahuling panayam ng ABS-CBN News kay Celdran sa Madrid, 2 araw bago siya pumanaw, aligaga pa ang artist sa kaniyang tinaguriang "Camino Rizal Tour."

Sa naturang tour na sinimulan niya sa Madrid, binabalikan niya kasama ng mga turista ang mga lugar na may kinalaman sa buhay ni Jose Rizal sa Espanya.

ADVERTISEMENT

Sa panayam, sinabi ni Celdran na gusto niyang i-promote ang Camino Rizal Tour.

Pero kahit nasa ibang bansa, di nakalimutan ni Celdran na ipaglaban ang mga paniniwala niya.

"I think of the Philippines everyday, and if I really could and if I felt safe there as a human being, I would go back. But right now, I feel like my mind and my energies are better off spent elsewhere where I can take care of myself," ani Celdran.

Nakilala si Celdran sa kaniyang walking tours sa Intramuros.

Pero taong 2010 nang maging kontrobersiyal ang kaniyang pangalan nang magprotesta siya sa Manila Cathedral habang may hawak na karatulang may nakasulat na "Damaso."

ADVERTISEMENT

Ginawa ito ni Celdran para ilarawan ang pagiging ipokrito umano ng simbahan, hawi sa karakter ng nobela ni Rizal.

Nangyari ito sa pagtutol ng simbahan sa kasagsagan ng isyu ukol sa reproductive health bill na ngayon ay batas na.

Noong 2018 ay nakatakda sanang ikulong si Celdran sa kasong "offending religious feelings" pero pinili niyang ma-exile sa Madrid.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.