Tabako at vape, mas ligtas nga ba kaysa sigarilyo? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tabako at vape, mas ligtas nga ba kaysa sigarilyo?

ABS-CBN News
Published Oct 03, 2017 06:04 PM PHT

Ayon sa World Health Organization, paninigarilyo ang isa sa mga nangungunang dahilan ng pagkamatay ng tao sa buong mundo.

Marami sa nasasawi ang smokers o iyong mga mismong naninigarilyo, habang ang iba naman ay "non-smokers" na exposed sa second-hand smoke.

Ayon kay Dr. Marie Charisma De La Trinidad, isang pulmonologist mula sa Philippine College of Chest Physician, nakaaadik ang paninigarilyo dahil sa sangkap nitong nicotine.

"Ang nicotine kasi nakakaadik siya, so the more that you appreciate cigarette lalo kang maaadik, but we have to remember ang cigarette kasi hindi lang nicotine ang laman mayroon [din] siyang 60 components na cancer-causing chemicals," paliwanag niya sa programang "Good Vibes" sa DZMM.

Aniya, dalawa ang epekto ng paninigarilyo sa tao.

Una, nagsisilbi itong stimulant o tila ba pampasigla at ang isa naman ay nakapagbibigay ng relaxation sa katawan.

Tabako
Ipinaliwanag ni De La Trinidad na maging ang mga taong tabako ang hinihithit-buga, wala ring takas sa nakaambang peligro dahil exposed pa rin ang mga taong ito sa iba't ibang klase ng kemikal.

Kahit 'yung ngumunguya lang, nadidikit pa rin 'yung kemikal, sabi niya.

"Didikit pa rin sa mucosa ng bibig natin [ito] at puwedeng mag-cause ng cancer."
"Didikit pa rin sa mucosa ng bibig natin [ito] at puwedeng mag-cause ng cancer."
ADVERTISEMENT
Paalala rin ni De La Trinidad, hindi lamang cancer ang maaaring idulot ng paninigarilyo, dahil marami pang iba't ibang sakit ang maaaring idulot nito katulad ng sakit sa puso, stroke, pagbagsak ng resistensiya, high blood pressure, at marami pang iba.

"Kapag nagsigarilyo ka, hindi lang naman sa [baga ang] dadaanan niya e, na-a-absorb din 'yon ng blood natin. 'Yong chemicals doon sa sigarilyo, pumapasok sa dugo natin kaya hindi lang baga apektado—it can cause pancreatic cancer, liver cancer, [at] kung ano-anong kanser sa buong katawan," dagdag pa niya.

E-cigarrette o "vape"
Sa mga nais tumigil sa paninigarilyo at piniling gawing pamalit ang e-cigarrette, ayon kay De La Trinidad, "hindi siya recommended way of winning."

Ibig sabihin, hindi epektibong paraan ang vape sa pagtigil sa paninigarilyo.

"Kapag sinabi mong ite-taper off mo 'yong sigarilyo, ito (vape) ang technique mo para matigil mo na [ang paninigarilyo], hindi namin 'yan nire-recommend. Kasi may content [pa rin] siya ng nicotine na nakakaadik din."

Second-hand smoke
Ang mga binubugang hangin ng isang naninigarilyo, maaaring malanghap ng ibang tao at magdulot ng masamang epekto sa kanilang katawan, ayon kay De La Trinidad.

"[Ang second-hand smoker], exposed din siya sa risk factors na mayroon din 'yong smokers," paliwanag niya.

Samantala, kung mayroong second-hand smoking, mayroon din aniyang third-hand smoking.

Ang third-hand smoking, ito 'yong dumidikit sa mga damit, sa sofa, o kaya'y sa pader ng ating bahay. Kapag nandoon 'yong usok, puwede itong malanghap ng mga miyembro ng pamilya, pahayag niya.

Pagtigil sa paninigarilyo
Unang-una, ayon kay De La Trinidad, kailangang maintindihan ng isang taong naninigarilyo na kailangan na niyang tumigil sa bisyo para sa kaniyang kalusugan at sa kaniyang buong pamilya.

Kung lubusan na niya itong naintindihan, mayroong inirekomendang mga pamamaraan si De La Trinidad.

Tandaan ang limang "D"
1. Delay - Kapag mayroong urge sa paninigarilyo, ipagpaliban ito ng mga ilang minuto o isang oras hanggang sa mawala na ito nang tuluyan.

2. Divert - Kapag nakaramdam ng pagnanais na manigarilyo, puwedeng mag-ehersisyo, o gumawa ng ilang aktibidad na maaaring makapaglihis o makapag-iwas sa tuluyang paninigarilyo.

3. Drink water - uminom ng maraming tubig dahil nakapagbibigay ng kaginhawaan sa katawan ang pag-inom ng tubig.

4. Deep breathing - nakare-relax din ang paghinga nang malalim. May ilang deep breathing exercises na maaaring subukan upang makapag-relax lalo na kapag stressed sa trabaho.

5. DOH (tawagan ang ahensiya) - mayroon nang "quitline" ang Department of Health na tutulong sa mga nais tumigil sa paninigarilyo.

"May sasagot [sa hotline] kunwari sasabihin mo gusto mo bang mag-quit, anong problema and then you can actually be advised kung anong next steps mo," aniya.

Maaaring tawagan ang DOH Quitline sa numerong ito: (02) 165-364
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT