Ano ang mga katangian ng isang leader? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ano ang mga katangian ng isang leader?
Ano ang mga katangian ng isang leader?
ABS-CBN News
Published Sep 28, 2017 05:32 AM PHT
|
Updated Sep 28, 2017 05:54 AM PHT

Ano ano nga ba ang mga katangian na dapat taglayin ng isang magaling na leader?

Ayon kay Francis Kong, isang motivational business speaker, hindi kinakailangang magkaroon ng posisyon ang isang tao para kilalanin siya bilang isang leader.

"Marami pa rin ang hindi nakakaintindi, akala nila ang leadership may kinalaman sa posisyon, level, ranggo, pero basta ikaw meron kang naiimpluwensiyahan, merong nakikinig sayo, meron kang ginagawa na naapektuhan ang buhay ng iba, leader ka na niyan," ani Kong.

Dagdag pa ni Kong, maaring gamitin sa mabuti o sa masama ang pagiging magaling na leader dahil ang leadership ay isang kasangkapan o tool.

Paliwanag ni Kong, ang isang magaling na leader ay kinakailangang magkaroon ng apat na C gaya ng competence, communication skills, consistency, at character.

Ang competence ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao sa kanyang larangan.

Halimbawa, ang isang ama ay maaring ituring na leader ng kanyang kabahayan.

Ang communication skills naman ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na ibahagi ang kanyang mga ideya.

"Halimbawa may competence ka, may idea ka, hindi mo naman masabi. Frustrating sa 'yo yan, pero mas frustrating doon sa mga hindi nakakaintindi sa 'yo," ani Kong.

Mahalaga rin na maging consistent ang isang tao para maituring na isang magaling na leader.

"'Yung nababasa ka. Hindi 'yung itong araw na ito, bad hair day ka. Bukas naman, no hair day. 'Yun bang ngayon masaya ka, bukas naman para kang impakto... Consistent ang iyong gawa, consistent ang iyong sinasabi. May authenticity 'yan, may transparency," dagdag pa ni Kong.

Makikita rin umano sa character ng isang tao kung siya ay isang magaling na leader.

"Dun mo made-define kung okay na leader ba ito o hindi magaling na leader ito. Kaya ikaw ay nagiging magaling na leader dahil ikaw ay may emotional management discipline. Madali 'yung makina, consistent 'yan. Pero 'yung tao kasi, maraming variables," paliwanag ni Kong.

Ayon kay Kong, mahalaga ang leadership dahil hindi ito makakalimutan ng mga taong matutulungan ng isang leader.
Ayon kay Kong, mahalaga ang leadership dahil hindi ito makakalimutan ng mga taong matutulungan ng isang leader.
ADVERTISEMENT
"Makakalimutan na ng mga tao natin kung ano 'yung mga na-accomplish natin sa buhay. People will forget what we have accomplished for ourselves, but they will never forget what we've done for them," aniya.