ALAMIN: Madalas na pagbangga sa suso, nagdudulot ng breast cancer? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Madalas na pagbangga sa suso, nagdudulot ng breast cancer?

ABS-CBN News

Clipboard

Walang maituturing na pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng breast cancer ng isang babae, ayon kay Dr. Maria Kaiserin Santos-Lipana, isang panauhing doktor sa programang "Good Vibes" sa DZMM.

Pinabulaanan din ni Lipana na may koneksiyon ang klase ng sinusuot na bra ng isang babae sa tiyansa nitong magkakaroon ng naturang sakit.

Tanging paalala lamang niya: "Dapat ang bra ay tama ang sukat, tama ang numero, tama din ang letra o 'yong cup."

Samantala, ang palagiang pagkabunggo o trauma sa suso, nagdudulot din ba ng kanser?

ADVERTISEMENT

Ayon kay Lipana, hindi direktang nakaaapekto ang traumang natatamo ng babae sa kanyang suso.

"Ang trauma, hindi diretso, pero siyempre kahit anong bahagi ng katawan kapag paulit-ulit na... 'yong mga cells nalilito kasi ang cancer talaga ay extra growth ng cells."

Ang babaeng hindi nagpapasuso, posibleng magka-breast cancer?

Paliwanag ni Lipana, "Dapat ang isang breast ng babae talaga ay dapat interrupted ang bombardment ng estrogen. Ibig sabihin sa isang babae, [dapat] talagang meron kang panahon na tumataas ang estrogen... sa buong buhay mo, tulad na lamang na dapat ay magbuntis ka, kasi 'yon maiiba ang hormones [mo]."

"Dapat din na magamit mo ang breast mo for its purpose. Kapag hindi [ka] nagpasuso parang hindi niya nabuo 'yong kailangan niyang gawin, 'yong purpose niya." dagdag ni Lipana.

Sa paggamit naman ng pills, dapat ay mayroon itong gabay ng isang obstetrician-gynecologist (ob-gyn) upang mapayuhan ang babae sa tamang pag-inom nito.

ADVERTISEMENT

Lahat ba ng bukol na maaaaring makapa sa suso ay kanser na?

"Karamihan sa mga bukol na makapa or nandiyan, ay hindi naman cancer. [Kaya] huwag na munang matakot porke may nakapa,' ani Lipana.

Kung mayroon namang makapang bukol sa suso, dapat ay magpakonsulta sa isang espesiyalista at asahan na ang ultra-sound bilang unang eksaminasyon sa suso.

Bagama't para sa mga 40 taong gulang pataas, dalawang eksaminasyon ang madalas na isinasagawa.

"'Pag ikaw ay younger than 40 [years old], may nakapa, talagang ultrasound lang. So may naririnig sila 'yong iba ultra-sound tapos may mammogram pa. [I]ba ang nakikita ng ultra-sound, iba rin ang nakikita ng mammogram. Pero dalawa sila para in tandem [at] mas maganda ang 'mapa' kumbaga na makita natin, kung ano'ng nangyayari sa loob [ng suso]," dagdag niya.

"Lalo na if you are beyond 40 years and above, recommended na talagang mag-mammogram o kapag bata ka pero mas tumaas ang iyong risk."

Dagdag ni Lipana, mayroong dalawang klase ng bukol na maaaring matagpuan sa babae, ang cyst at laman sa bukol.

ADVERTISEMENT

"'Pag sila'y nakarinig ng 'ay may cyst ka' iyon ay tubig lang ang laman. Mas pangkaraniwan 'yon at hindi nakakabahala. 'Yong pangalawang klase ay 'yong solid talaga, tinatawag nilang 'laman' ang laman ng bukol."

Breast cancer stages

Stage 1

"Stage 1 kapag napakaliit ng bukol o iyong kapag wala pang 0.7 centimeters ang laki. [Sa ganitong sitwasyon], puwedeng hindi mag-chemo[therapy] depende rin tinitingnan, para malaman talaga kung kailangan mo nang mag-chemo," paliwanag niya.

Stage 2

Kapag stage 2 na ang kanser sa suso, kinakailangan na aniyang sumailalim sa chemotherapy.

Stage 3

"Malaki na at meron ka na sa kulani so lalo nang dapat kailangan ng chemotherapy," ani Lipana.

Ang bukol sa suso, aniya, kailangan talagang tanggalin ang pinagmumulan, pangalawa ay 'yong mismong suso.

ADVERTISEMENT

Bagama't ngayon ay tinitingnan muna kung ang isang pasiyente ay maaaring hindi na tanggalan pa ng suso.

Breast cancer sa lalaki

Maaari din aniyang magkaroon ng breast cancer ang mga lalaki.

Kung mayroong kapamilya na tinamaan ng breast cancer, hindi ito kasiguraduhan na magkakaroon ka rin ng naturang sakit, pero dagdag niya, maaring tumaas ang tiyansa mong makuha ito.

Samantala, hindi dapat na matakot ang isang babae na lumapit sa doktor kung kinakailangan.

Susi rin sa maagang detection ng sakit ay ang patuloy na pagkilala sa ating katawan, paliwanag niya.

ADVERTISEMENT

Paalala rin niya, tandaan ang akronym na T.L.C.

"T" ibig-sabihin ay touch.

Ugaliing kapain ang suso upang malaman kung mayroong bukol na tumutubo.

"L" ibig-sabihin ay look.

Tingnan kung mayroong pagbabago sa suso, katulad na lamang ng pag-labas ng nipples na maaaring senyales ng sakit, lalo pa't kung nakapasok naman dati ang iyong nipple.

"C" ibig-sabihin ay check.

ADVERTISEMENT

Magpakonsulta sa doktor kung mayroong makakapang bukol sa suso, upang maagapan ang anumang posibleng banta sa iyong kalusugan.

Ayon sa tala ng Philippine Cancer Facts and Estimates, isa sa kada 13 Pinay ang nagkakaroon ng breast cancer.

Ang Pilipinas din ang may pinakamaraming kaso nito sa buong Asya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.