MJ Felipe, ipinagdiwang ang 20 taon sa showbiz | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MJ Felipe, ipinagdiwang ang 20 taon sa showbiz

MJ Felipe, ipinagdiwang ang 20 taon sa showbiz

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 28, 2023 02:52 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Ipinagdiwang ni MJ Felipe ang kanyang ika-20 taon sa showbiz.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Felipe na bago maging showbiz reporter ay pinangarap niya ang maging astronaut.

Kuwento ni Felipe, naiwan siya mag-isa sa Pilipinas nang hindi nakarating sa kanya ang mga papeles para pumunta sa Amerika.

Watch more News on iWantTFC

"Yung papers hindi umabot sa akin. Kaya ang buong family ko napunta sa Amerika. Ako 'yung naiwan mag-isa. Even right now 20 years alone ako here in the Philippines, my whole family is in the States. That's why I treated my work as my family, ABS-CBN as my family," ani Felipe na kumuha noon ng kursong Physics sa De La Salle University.

"Lagi kong sinasabi I may not be studying the stars but I am working with the stars," dagdag nito.

ADVERTISEMENT

Kuwento ni Felipe, matapos ang kolehiyo, nagtrabaho siya bilang isang call center agent sa loob ng tatlong taon.

Aniya, nagsimula siyang makapasok sa ABS-CBN nang mag-audition at manalo siya sa isang kompetisyon para maging showbiz writer noong 2004.

"So out of that 10, ako 'yung nanalo. That was 2004, the show lasted for a good two years. After that in-absorb na ako ng 'The Buzz,'" ani Felipe.

Sa loob ng 20 taon sa showbiz, ilan sa hindi makakalimutang naibalita ni Felipe ay ang lihim na pagpapakasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at ang isyu sa pagitan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto.

"Kung controversial ang hinahanap mo, ang dami. Ilang beses na akong na-office, inaway ng managers. Mayroon pang isang sexy drama actress, sa sobrang inis sa akin binato ako ng logbook," kuwento ni Felipe.

Para kay Felipe, ibang hamon din kapag international artists ang kanyang nakakarahap.

Panganay sa tatlong magkakapatid, nanatiling pamilya ang inspirasyon ni Felipe sa kanyang mga ginagawa.

"Nakakatuwa lang na they're living their best lives din sa Amerika. I think napalaki kami ng mga magulang namin to be independent at tumayo sa sarili naming mga paa. Kumbaga pinatatag na ako ng panahon kaya ang pagmamahal ko sa trabaho ko ay iba rin," ani Felipe.

Kahit na may pagkakataon na na si Felipe na manirahan sa Amerika ay mas pinili nito ang magtrabaho sa Pilipinas.

Maliban sa 20 taon niya sa showbiz, ipinagdiwang din ni Felipe ang kanyang kaarawan sa "Magandang Buhay."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.