Magkasintahan nag-prenup photoshoot sa bus terminal kung saan sila nagkakilala | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkasintahan nag-prenup photoshoot sa bus terminal kung saan sila nagkakilala

ABS-CBN News
Published Sep 16, 2021 03:27 AM PHT

Patok sa social media ang prenup photoshoot ng magkasintahang binalikan ang bus terminal kung saan sila unang nagkakilala.

Binalikan nina Jessa Calejesan at Art Jay Aquino ang Tandag City bus terminal sa Surigao del Sur kung saan sila unang nagkita.

Pero mula pagiging estrangherong mga pasahero, ngayon ay sweet at puno ng pagmamahal ang kanilang muling pagsasama sa terminal, kaya pumatok agad ito sa mga netizen.

Sa loob ng apat na oras mula nang ma-post sa social media, umani agad ito ng higit 2,600 shares at 1,400 reactions.
Sa loob ng apat na oras mula nang ma-post sa social media, umani agad ito ng higit 2,600 shares at 1,400 reactions.
ADVERTISEMENT
Kuwento ni Jessa, pauwi siya noon sa bayan ng San Agustin, Surigao del Sur at pauwi naman sa Sultan Kudarat ang kaniyang fiancé na si Art Jay.

"Nagtanong ako sa ticket booth ukol sa bus schedule at siya ang sumagot. Nilapitan niya ako at nakipagkaibigan," ani Jessa.

Makalipas ang 3 buwan, hinanap ni Art Jay si Jessa sa kaniyang pinagtrabahuhang pharmacy sa lungsod ng Bayugan, Agusan del Sur at doon nagsimula ang kanilang komunikasyon.

"He is so patient. Walang katulad. Hindi kami nag-aaway. He supports me sa lahat ng desisyon at goals ko, kaya I love him and I do the same. Masayahin din siya at easy ang pananaw sa buhay," paglalarawan ni Jessa sa kanyang nobyo.

Ikakasal ngayong buwan sa isang beach resort ang magpares at limitado lamang ang mga dadalo dahil sa mga health protocol. — Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT