RECIPE: Adobong kangkong | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Adobong kangkong

RECIPE: Adobong kangkong

ABS-CBN News

Clipboard

Paborito mo ba ang adobo?

Maliban sa adobong baboy at adobong manok, masarap din i-adobo ang kangkong.

Bukod sa masustansiya, swak pa ito sa budget dahil 4-5 katao ang puwedeng pakainin ng nasabing putahe.

Bumisita sa “Umagang Kay Ganda” nitong Huwebes ang guest kusinero na si J-ferson Amagsila para ibahagi kung paano magluto ng adobong kangkong.

ADVERTISEMENT

Narito ang mga sangkap ng adobong kangkong:

• 1 kangkong
• 3 kutsarang toyo
• 1 kutsarang suka
• 1 buong bawang
• Paminta
• 30 grams ng oyster sauce
• 150 grams ng liempo
• 250 ml na mantika
• 2 pirasong dahon ng laurel
• 1 sibuyas
• Kalahating tasa ng tubig

Paraan ng pagluluto:

Pakuluan ang kangkong sa loob ng 40 segundo. Tanggalin sa tubig at itabi.

Igisa ang bawang at itabi kapag golden brown na.

Igisa ang sibuyas at idagdag ang pinakuluang kangkong.

Lagyan ito ng tubig, toyo, suka, oyster sauce, paminta, at dahon ng laurel. Lutuin ito sa loob ng isang minuto.

Iprito ang liempo hanggang maluto at itabi.

Ilagay ang liempo at bawang sa ibabaw at ihain.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.