Matapos ang 23 taon: Bro. Jun Banaag o 'Dr. Love' magpapaalam muna sa Teleradyo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Matapos ang 23 taon: Bro. Jun Banaag o 'Dr. Love' magpapaalam muna sa Teleradyo

ABS-CBN News
Published Aug 27, 2020 11:29 AM PHT
|
Updated Aug 27, 2020 12:51 PM PHT

MAYNILA -- (UPDATED) Pansamantalang magpapaalam sa TeleRadyo ang award-winning evening show na "Dr. Love Radio Show" sa Biyernes, Agosto 28, matapos ang 23 taong pag-ere nito.

Sa programa noong Miyerkoles, sinabi ni Bro. Jun Banaag na "napakasakit" ang desisyon pero nauunawaan naman niya na pansamantalang kailangan munang mawala sa ere ang 2 oras na palabas.

"After all those awards, the acclamations that we received, sa lahat ng makasaysayang naganap sa programa... ay magwawakas po sa Biyernes, 28 ng Agosto, and as much as we want, nauunawaan natin ang management," ani Banaag sa kaniyang palabas.

Aniya, ginagawan ng paraan ng pamunuan ng ABS-CBN na maglaan ng timeslot para sa kaniyang palabas.

ADVERTISEMENT
"Kahit sa weekend, kahit isang oras lang pipilitin na ilagay tayo. Although, napakasakit... na tayong magkakasama for 2 hours and we were contented with just one hour left pero kailangan nating tanggapin ang mga pangyayari," ani Banaag.

Aniya, wala siyang planong lumipat ng himpilan at hihintayin niya muli ang tawag ng kompanya sakaling pabalikin sa ere ang programa.

"Alam kong marami sa inyo ang malulungkot at sana po huwag niyo po akong iwanan sa Biyernes sa aking pagpapaalam sa inyo pansamantala," ani Banaag.

Isa lang ang Dr. Love sa iba pang programa na mamamaalam sa ABS-CBN kasunod ng pagpatay ng Kongreso sa prangkisa ng network giant.

Bago nito, naghain ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission matapos mapaso ang prangkisa ng network noong Mayo.

Kasabay niyan, nagsimula na ring magbawas ng kanilang empleyado ang network.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Dr. Love
Jun Banaag
ABS-CBN Franchise
ABS-CBN retrenchment
ABS-CBN retrenchment updates
Dr. Love Radio Show
Teleradyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT