ALAMIN: Ano ang pagkakaiba ng divorce at annulment? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang pagkakaiba ng divorce at annulment?

ALAMIN: Ano ang pagkakaiba ng divorce at annulment?

ABS-CBN News

Clipboard

Ipinaliwanag ng isang abogado kung ano ang pagkakaiba ng divorce at annulment.

Ayon kay Atty. Sol Mawis, ang ground o nagiging dahilan ng divorce ay nangyayari sa loob ng kasal, habang ang dahilan ng annulment o pagsasawalang bisa ng kasal ay nangyari bago pa man mangyari ang kasal.

"Ang divorce, ang ground niyan existed during the marriage. Unlike in petitions for declaration of nullity and declaration of annulment, the ground existed at the time you exhanged 'I do's.'" paliwanag niya.

"'Yung annulment, may ground ka. Pero it existed before the marriage. Sa divorce, huwag na nating pag-usapan kung ano kayo nung ikinasal kayo. May ground lang that will allow you to terminate the marriage," dadgdag pa ni Mawis.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Mawis, magandang magkaroon ng batas para sa divorce sa Pilipinas, pero dapat umanong maging mahigpit ang Korte rito.

"Mayroon naman akong nakikitang tao na talagang sinasaktan na siya, inaabuso na siya, nagtitiis siya, eh gusto na niyang makawala. Gusto mo pa bang humaba 'yung ano niya? Dapat lang may grounds," aniya.

"If we really want to preserve marriage as a social institution, huwag nating gawin na parang based on whim and caprice ng isang tao. Magkaroon naman tayo ng parameters," dagdag pa ni Mawis.

Nauna nang nagsumite ng panukalang batas si House Speaker Pantaleon Alvarez para sa dissolution of marriage, kung saan isinasaalang alang niya ang karapatan ng kababaihan, lalo na ang mga nakakaranas ng pananakit at pang-aabuso.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.