‘Signing off’: Vlogger couple na JaMill inalis na ang YouTube channel | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Signing off’: Vlogger couple na JaMill inalis na ang YouTube channel

‘Signing off’: Vlogger couple na JaMill inalis na ang YouTube channel

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 19, 2021 05:21 PM PHT

Clipboard

Mula sa Instagram ni Camille Trinidad
Mula sa Instagram ni Camille Trinidad


Kinumpirma ng vlogger na si Camille Trinidad na wala na ang kanilang YouTube channel ng nobyong si Jayzam Manabat na 'JaMill.'

Sa kaniyang Twitter account, inanunsyo ni Trinidad na deleted na ang YouTube channel nila na mayroong higit 12 milyong subscribers.

“JaMill is now signing off. Pero Jayzam & camille is ♾,” ani Trinidad.

Nagpasalamat din ito sa video-streaming platform: “Thank you @YouTube sa lahat lahat.”

ADVERTISEMENT

Nilinaw din niya na hindi pakulo ang ginawang pag-alis sa kanilang account, gaya ng sinasabi ng ibang netizens.

Aniya, ginawa nila ito upang mas maging maayos ang kanilang relasyon ni Manabat.

“Yes deleted na po ang channel. Di naman natin ma-pplease lahat ng tao na sabihing pa issue lang ito or what. Its about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin. I hope na irespeto nalang Thank you,” paliwanag ni Trinidad.

Trending ang JaMill sa Twitter matapos ang anunsyo na ikinagulat ni Manabat ngunit sa huli, malaman ang naging pahayag ng vlogger.

Sa kanilang Facebook page, nagpasalamat din ang mga ito sa mga naranasan sa pagiging content creator ngunit pagtutuunang pansin umano muna nila ang kanilang pagsasama.

ADVERTISEMENT

“Gusto namin habang buhay talaga kaming nagmamahalan mga kaigan,” ayon sa kanilang FB post.

Nais umano nilang mamuhay ng simple kagaya noon bago pasukin ang vlogging.

Ayon kay Manabat, patunay aniya ito na sila pa rin kahit wala na sila sa YouTube.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.