Mga dapat at hindi dapat gawin ngayong Ghost Month, ayon sa feng shui expert | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga dapat at hindi dapat gawin ngayong Ghost Month, ayon sa feng shui expert

Mga dapat at hindi dapat gawin ngayong Ghost Month, ayon sa feng shui expert

ABS-CBN News

Clipboard

A Chinese Indonesian throws Chinese joss money in honor of his ancestors during the Hungry Ghost Festival in Medan, North Sumatra, Indonesia in this August 2022 file photo. Dedi Sinuhaji, EPA-EFE
A Chinese Indonesian throws Chinese joss money in honor of his ancestors during the Hungry Ghost Festival in Medan, North Sumatra, Indonesia in this August 2022 file photo. Dedi Sinuhaji, EPA-EFE

MAYNILA -- Kadalasang kinakatakutan ang Ghost Month o ang ika-pitong buwan ng Chinese Lunar calendar. Kadalasan bumabagsak ang Ghost Month sa buwan ng Agosto.

Ayon sa feng shui expert na si Master Hanz Cua, ngayong 2023, papasok ang Ghost Month sa Agosto 16 at matatapos ng Setyembre 14.

Inaasahang nakalabas naman ang lahat "hungry ghosts" o mga kaluluwang ligaw sa Agosto 30.

Watch more News on iWantTFC

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, ibinahagi rin ni Master Hanz ang mga dapat iwasan at maaring gawin sa Ghost Month.

ADVERTISEMENT

Mga dapat iwasan:

Sa Ghost Month, payo ni Master Hanz na huwag magsimula ng bagong negosyo na maaring hindi matagumpay dahil sa panggugulo ng mga hungry ghost.

Iwasan din ang lumipat ng bahay o opisina dahil posibleng malasin ang bagong bahay at ang negosyo.

Iwasan ding pumirma ng kontra o anumang kasunduan. Kung 'di maiiwasan, hanapin ang lucky date sa Ghost Month.

Maliban sa pag-iwas sa panliligaw dahil maaring hindi ito magiging matagumpay, iwasan din ang pagpapakasal dahil may posibilidad na maghiwalay ang mag-aasawa.

Maliban sa pag-iwas sa pagdalaw sa mga lumang bahay dahil sa maaring may negative energy ito, iwasan din na magpasimula ng repair o pagpapagawa ng sira sa bahay.

ADVERTISEMENT

Maliban sa pagsuot ng kulay itim, iwasan din pagpito dahil makakatawag ito ng mga espiritu.

Iwasan din ang pag-aaway o pagsasabi ng mga hindi magagandang salita.

Mga maaring gawin:

Para sa mga "hungry ghosts," maari itong alayan ng mga pagkain tulad ng isda, karne at maging inumin.

Ayon kay Master Hanz, maari ring kainin ang alay basta't naubos na ang insenso o ang pagsunog sa paper money na alay din sa mga kaluluwa.

Aniya, bago kainin ang natirang alay, kailangang munang palitan ang lalagyan o ang plato.

ADVERTISEMENT

Sa Ghost Month, dapat na buksan ang mga bintana para makapasok ang liwanag. Makakatulong din ang paglagay ng asin sa pintuan o bintana.

Maari ring magsuot ng mga makukulay na damit tulad ng pula para maging masuwerte.

Makakatulong rin ang pagkalembang ng mga bells o kampana lalo na sa mga bahay o lugar na tahimik dahil maaring nandoon ang mga "hungry ghost."

Makakatulong din ang malakas na volume ng telebisyon sa loob ng bahay.

Makakatulong ang pagsunog o pagpapausok ng siyam na insenso (stick) sa bahay tuwing umaga (alas nuebe).

ADVERTISEMENT

Panatilihin din ang pagiging malinis ng bahay.

Sa huli, sinabi ni Master Hans na hindi dapat katakutan ang Ghost Month na isang Chinese Taoism tradition dahil paalaala ito na huwag kalimutan ang mga yumaong mahal sa buhay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.